![]() |
Don't keep her waiting just because you know she will. |
"I'll wait for you. Hihintayin kita hanggang sa magsawa ako kakahintay sa 'yo,
hanggang sa mapagod ako. Hanggang sa mawalan ako ng lakas.. kakahintay sa 'yo."
-Athena, She's Dating the Gangster
Hanggang kailan ba natin kayang maghintay para sa taong mahal natin? Hanggang kailan natin kayang tiisin lahat ng hirap sa paghihintay? Hanggang kailan tayo magiging matatag sa lahat ng kailangan nating harapin?
Madami tayong tao na hinihintay na makilala at dumating sa buhay natin. 'Yung iba maaaring madali nating makilala, pero kalimitan sinusubok muna tayo ng panahon bago natin masabi na nasa atin na 'yung tao na gusto nating maging parte ng buhay natin. Hindi naman kasi lahat ng magustuhan natin ay madali natin na makukuha. Kung ganun lang din ang buhay, hindi natin masasabi sa sarili natin na worth it 'yung pagdating ng tao na 'yun. Dadaan muna tayo sa madaming problema at pagsubok para makita natin sa mga sarili natin kung haggang saan nga ba ang kaya nating isugal sa paghihintay.
Tulad ni Kenji at Athena sa kwentong She's Dating the Gangster, sinubok sila ng tadhana at panahon kung haggang saan nila kakayanin ang hirap at pagsubok ng paghihintay. Ganun naman kasi talaga ang buhay eh, tinuturuan tayo na hindi natin i-take for granted ang mga bagay na maaaring once lang dumating sa buhay natin. Ayaw naman nating masayang lahat nang pinaghirapan natin, 'di ba? Lalo na kung 'yung pinaghirapan mo na 'yun eh 'yung matagal mo nang hinahanap at hinihintay sa buhay mo.
Lahat naman tayo handang maghintay sa pagdating ng tamang panahon para sa love sa mga buhay natin. 'Yun nga lang, may mga taong sobrang ikli ng pasensya at hindi makapaghintay sa tamang panahon. Kaya anong nangyayari? Hindi nila nakukuhat at nakikita ang totoong happiness nila. Meron namang iba na dahil sa sobrang nainip na sa kakahintay, naghanap na lang ng iba na mas madali nilang makukuha. Pero, 'yun ba 'yung talagang hinahanap nila, hindi naman, 'di ba? Kaya, hindi pa rin nila masabi sa sarili nila na masaya sila talaga.
Pero meron pa rin namang ilan na handang maghintay para sa tamang panahon para makuha nila ang matagal na nilang hinihintay na happiness. Sila 'yung mga taong kahit na mapag-iwanan na ng panahon, handa pa ring maghintay at umasa. Sila 'yung taong alam talaga kung anong gusto nila at handang gawin lahat para sa happiness na 'yun. SIla ang mga taong handang sumugal sa love. Maaaring makuha nila 'yun at the end of the road, pero walang assurance. Akala kasi ng ibang tao katangahan lang ang maghintay para sa pag-ibig. Siguro kaya nila nasasabi 'yun kasi nags-settle sila sa pwede na, hindi dun sa eto na talaga. Pero, they're still taking the risk. Hindi sila playing safe sa buhay. Wala naman kasi tayong matututunan kung palagi na lang tayong playing safe at nakukuntento na sa pwede na.
'Wag kasi tayo matakot isugal ang kung anong meron tayo kung kapalit naman nito ang kasiyahan natin. Pero syempre, dapat alam din natin kung hanggang saan lang tayo. Andun pa rin dapat 'yung limit. Hindi kasi tayo magiging totoong masaya kung ang tadhana na lang ang pagdedesisyunin natin sa kung anong mangyayari sa buhay natin; syempre, kailangan gumagawa rin tayo ng paraan. Buhay naman natin 'to eh kaya nasa kamay natin kung paano natin ito susulitin. At the end of the day, ang gusto lang naman nating lahat ay ang maramdaman na may nagmamahal sa atin at lahat tayo masaya.
© Thank you to Trisha Tadeo para sa subject ng post na 'to.
© Thank you to Trisha Tadeo para sa subject ng post na 'to.
0 comments:
Post a Comment