![]() |
http://www.traveladventures.org/continents/europe/sant-pere07.shtml |
Meron nga bang "forever" sa buhay natin? Wait, medyo general at wide kung life as a whole ang pag-uusapan. Ganito na lang -- meron ba talagang forever sa love, specifically sa isang relationship?
Ano ba talaga ang definition natin ng "forever" sa isang romantic relationship? May mga nagsasabi na habang-buhay sila magsasama -- umulan man o umaraw; meron din nagsasabi na 'til death do they part; at meron din na nangangako ng forever pero after ilang months eh tapos na 'yung forever na sinsabi nila. Mayroon tayong iba't-ibang definition o meaning sa salitang "forever". Naka-depende ito sa kung paano natin nakikita ang love sa sarili nating mga buhay, experiences at point of view.
Para sa 'kin, meron naman talagang forever sa love. Forever kung saan I'll do the best I can in everything that I do just to make my other half happy and proud. Kumbaga, sa lahat nang gagawin ko para sa kanya at kasama s'ya, I'm thinking that it will be the last day of my life para I'll treasure every moment of it. Live and love your life to the fullest, ika nga. Malabo ba? Well, 'yun 'yung sinasabi ko na naka-depende ang definition ng forever sa bawat tao. Merong makakaintindi sa definition ko ng forever, meron ding hindi.
Isa pang definition para sa 'kin ng forever eh 'yung kahit 'di na kayo pwede magkasama, or 'di pa kayo pwede magkasama, eh andun pa rin 'yung genuine feeling for that person; na hindi naman physical lang dapat 'yung feeling, kundi dapat emotional and mental 'yung feeling which connects both of you. Kahit na hindi perfect at fairytale-like ang story n'yo, basta masaya kayo at alam n'yo na mahal n'yo ang isa't-isa, those things are the start of forever. Kung hindi na naman kayo pwede magkasama, 'yung nararamdaman mo sa kanya eh never na mawawala kasi you've planned forever with that person. Super genuine na nung feelings mo kaya mahirap at matagal na mawala 'yan, or pwede 'di na mawawala 'yan.
Best example para sa 'kin ng forever eh 'yung old couples na nakikita ko. Ewan ko, pero 'pag nakikita ko sila bigla na lang akong mapapangiti at medyo maluluha. Bakit? Una, kasi kahit na may edad na sila, sila pa rin ang magkasama at nagtutulungan. Kahit na medyo ulyanin na sila at hirap na maglakad at magkarinigan, they chose to stay with their better half. Kahit na limited na 'yung mga bagay na magagawa nila, patuloy pa rin nila pinapakita at pinaparamdam sa isa't-isa na andun pa rin 'yung genuine love through their little actions. Pangalawa, naluluha ako kasi kahit sa panahon ngayon, meron pa ring couples na nakaka-survive sa lahat ng pagsubok ng buhay. Na kahit sobrang hirap at komplikado, pinipilit nilang lagpasan 'yun ng magkasama at nagtutulungan. Sobrang tatag at strengthened na ang relationship nila.
Napapaisip din ako kung minsan: Meron bang tao na handang harapin ang forever kasama ako? Meron bang tao na hindi ako iiwan kahit anong mangyari at harapin namin sa buhay? Meron ba d'yan na handa pa rin akong alagaan at mahalin kahit ulyanin at uugud-ugod na ako? Meron bang tao na kakantahan pa rin ako ng kanta namin 'pag matanda na kami kahit 'di na n'ya masyado maalala ang lyrics nito? Mga simpleng tanong pero mahirap sagutin.
Pero para sa 'kin, kahit nasaktan na ako sa experience ko with love at parang dumating ako sa punto na malabo na 'yung concept ng forever, andito na ulit ako at naniniwala sa forever. Siguro kasi hindi pa dati 'yung tamang time para 'dun sa akala ko na forever. Pero sana ngayon, or in God's right time, dumating na 'yung start of forever para sa 'ming dalawa. I still believe in the concept of forever.

0 comments:
Post a Comment