Darating din ang araw na tayo'y tatanda. Babagal ang mga paa at manlalabo ang mata. Hindi mamalayan ang pagikot ng mundo... Panahon ay lilipas din, mga araw ay daraan. Ang mundo ay papanaw din ngunit hindi ang aking puso, ngunit hindi ang pagibig ko sa 'yo...
Nakaka-miss 'yung ganitong moments natin. Eto ang hobby nating dalawa 'pag wala tayong magawa eh; 'yung basta meron tayo nakitang camera man 'yan or webcam, automatic na sa 'ting dalawa na gawing katawa-tawa mga itsura nating dalawa -- mapa-mukhang natatae man 'yan, mukhang constipated or 'yung mukhang hindi talaga ma-describe. Nasa system na ata nating dalawa 'yan eh, mahirap nang alisin basta tayo ang magkasama.
Sobrang childish nating dalawa 'pag magkasama. Away-bati sa mga maliliit na bagay na pinagkukulitan natin na pagkatapos eh tatawanan na lang natin kasi palaging kang natatalo sa usapan. Pero minsan din naman, nagkaka-pikunan tayo. Bakit? Kasi pikon ha. Hahaha! Naalala mo nung thrown out of the game ka kasi binato mo ng bola sa mukha 'yung kalaban mo kasi napikon ka? Best example ng pagka-pikon, 'di ba? Palagi ko naman 'yun sinasabi sa 'yo eh, at sa 'kin ka lang 'di nagagalit 'pag niloloko kita na pikon.
Kung ikaw pikon, ako naman si tampuhin. 'Di mo lang mapansin at makausap agad eh tampo na agad at 'di na kita kakausapin. Lokohin at kulitin mo lang ng konti magtatampo na agad, 'di ba? 'Di ba? Arte ko 'no? Dejokelang. Kasi naman minsan, 'di mo ako pinapansin at kinakausap kasi 'yun pala tulog ka na habang kinakausap kita. Sinong 'di magtatampo, 'di ba? Alam mo naman ako si madaldal, tapos ang dami ko nang nasabi tulog ka na pala. Pero syempre, bumabawi ka naman pero nakakatulog ka ulit.
I miss my old self, especially when I'm with you. Kumbaga, kilala mo at tanggap mo ang lahat ng sulok at twists and turns ng pagkatao at personality ko. Kahit na malimit eh baliw ako at dumadaan din ang sobrang pagkadaldal ko na kahit ikaw hindi mo mapigil, tinitiis mo na lang 'yun at tatawanan ako pagktapos kong dumada tungkol sa mga bagay-bagay.
Nakaka-miss din 'yung every night sa 'yo ko ikekwento lahat ng bagay na nangyari sa 'kin nung araw na 'yun; kahit na tungkol pa 'yun sa mga happy crush ko. Tinatawanan mo na lang ako 'pag may kagagahan akong nagawa; dadamayan mo ako 'pag hindi naging maganda ang araw ko at hinding-hindi mo pinaramdam sa 'kin na mahina ako. Palagi mo akong ine-encourage gawin lahat nang kaya ko at ayaw na ayaw mong isipin ko na hindi ko kaya. Palagi mong sinasabi na: "Kaya mo 'yan. Basta lagi mong iisipin na andito lang ako." Palagi kang may assurance na hindi mo ako iiwan kahit anong mangyari.
Kelangang-kelanga kita ngayon. Sobrang dami kong problema na alam kong ikaw lang ang makikinig at makakaintindi. Wala na akong shock-absorber eh.
Umaasa pa rin naman akong maaayos lahat eh. In God's time alam ko maaayos natin lahat. Unti-unti, babalik din ang dati, 'di ba? Walang iwanan at kakayanin natin 'to lahat.
Basta babalik ka, ha? Andito lang ako. :) |
0 comments:
Post a Comment