Friday, 7 September 2012

Do You Remember?

Posted by Anna Cali at 10:12 pm

I don't ask for much when you're with me, just promise that you'll stay by my side.

Every time na maaalala ko lahat ng nangyari sa atin dati, napapangiti na lang ako. Sobrang tatag nga pala natin no? Parang roller coaster ride na ang mga pinagdaanan nating dalawa, pero 'di tayo sumuko at nagpatalo sa lahat ng 'yun. At 'pag maaalala ko lahat ng plano natin after college, napapangiti na lang ako, pero napapaiyak rin.  Sobrang nagma-match pala ang mga plano natin para sa isa't-isa, 'no? Kahit na maliliit na detalye, nagkakatugma lahat. Pero ngayon, hindi ko na alam kung matutupad at matutuloy pa ang mga 'yun :(


Do you remember when...
  1. ...na-ospital ka agad nung March 17, 2009 dahil sa appendicitis mo? Challenge agad 'yun sating dalawa ha. Birthday na birthday ko pinag-alala mo ako nang bonggang-bongga. Pumunta ka pa sa bahay namin para kunin 'yung book mo kahit na hirap na hirap ka na maglakad. Loko ka talaga! Isang jeep kaming bumisita sa 'yo kinabukasan after finals, bongga!
  2. ...terno kayo ni Paulo nung binigay na bouquet of flowers nung 2nd year recollection? Benta talaga kayong dalawa ni Paulo eh, best of friends talaga hanggang sa bulaklak! Sandamakmak din na white chocolate ang binigay mo sakin nun, dahil alam mong ayaw ko ng milk at dark chocolate. Medyo may pahiya-hiya effect ka pa nun at 'di mo pa ako masyado kinakausap kahit na dumada-moves ka na.
  3. ...hinatid mo ako sa bahay kasi sobrang tinamaan ako sa katuwaang pag-iinom after practice for LYF na hindi kita kasama? Na usapan natin kakain pa tayo sa McDo after classes mo, pero 'di na natuloy kasi sobrang nahihilo ako nung hinatid ni Philip sa 'yo. Galit na galit ka sa 'kin nun kasi ang bilin mo sa 'kin konti lang dapat inumin ko, pero 'di mo ako pinagsabihan at pinatulog mo na lang ako sa balikat mo hanggang makarating tayo sa 'min. Inayos mo muna itsura at lakad ko bago tayo maglakad papunta sa 'min. At pagkagising ko, imbis na pagsabihan mo ako sa text, kinumusta mo lang ako at sinabing 'di ko na 'yun mauulit kasi 'di mo na ako papayagan.
  4. ...nakasama tayo sa out-of-town getaway ng barkada ng Ate? Kahit na nagdalawang-isip tayong sumama kasi baka 'di tayo payagan, gora pa rin tayong dalawa! Naka-libre pa nga tayo nun sa lahat ng expenses eh! Naalala mo nung sumama pakiramdam ko habang nasa byahe tayo? 'Di mo ako pinabayaan nun at ikaw pa nagmamasahe sa ulo ko para umayos 'yung pakiramdam ko. 'Di ka rin bumaba sa van kahit gutom na gutom ka na kasi maiiwan akong mag-isa dun. Kahit na kumain lang tayo nang kumain nung gabi nun, 'di ko makakalimutan 'yung andun lang tayo sa entrance ng bahay at tinititigan 'yung night sky at pinag-uusapan 'yung mga posibleng mangyari in the future.
  5. ...meron tayong misunderatanding nung May 2012 at pinuntahan mo ako sa Manila? Pinuntahan mo ako nun kasi may summer classes ako at bakasyon mo naman. Pagkalabas ko pa lang sa klase ko, nakita kitang ngiting-ngiti sa may labas ng 7Eleven at mukhang nang-aasar pa! Alam mo na kasi na hindi na ako galit sa 'yo kaya lakas mo na agad mang-asar. After nun, nag-RP na lang tayo at akala mo walang nangyaring tampuhan! Lakas pa mag-inggitan sa inorder na DQ at Burger King!


Nakakatuwa na nakakaasar tayong dalawa, 'no? Kala mo mga bata lang minsan kung mag-away at magtampuhan. Kasi ganun talaga tayo eh, kahit na maliliit na bagay pinagtatampuhan natin, pero at the end of the day tayo pa rin naman ang magkakampi, 'di ba? Nakaka-miss 'yung usual selves natin 'pag tayo 'yung magkasama. Na kahit simpleng popcorn lang 'yan, agawan na tayo habang nanonood ng TV or movie sa laptop; na 'di natin palalampasin ang SaturDATE 'pag umuuwi ako ng Batangas; na imik pa ako nang imik ikaw pero ikaw pala tulog na tulog na sa sofa at ako naman bigla ka na lang pipicturan habang tulog.

Kahit na madalas sobrang tigas ng ulo ko at hindi agad ako nakikinig sa 'yo, never mo akong pinagtaasan ng boses or gumawa ng action to let me feel you have power over me. Kahit na sobrang makakalimutin ako, never kong makakalimutan lahat ng memories na nagawa nating dalawa -- nakakaasar man, nakakatuwa, nakakainis o nakakaiyak.

I hope we'll create more memories together. 'Yung tipong pagtanda natin eh pagkkwentuhan natin lahat nangyari with our family at matatawa na lang tayo sa lahat ng nangyari ngayong mga bata pa tayo. I will never give up on us. Hangga't kaya pa, kakayanin. You said that we'll never leave each other, right? I'm holding onto what you said. :)

0 comments:

Post a Comment

 

Behind Anna's Smile Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos