![]() |
Sometimes goodbyes are not forever. It doesn't matter if you're gone, I still believe in us together . |
We had the right love at the wrong time... Wrong time nga ba? Or wrong reasons lang to say goodbye? Pero ang nasisiguro ko, right love 'to. Often, life gives us the unexpected. Wala kahit isa sa atin ang makakapagsabi kung anong mangyayari sa mga susunod na araw. Parang sa love din, 'di natin alam kung kanino tayo mai-in love at hindi natin mapipili kung sinong tao 'yun at kung kelan natin ito makikilala.
Bakit napa-post na naman ako? Kasi... lakas nang tama ng kantang Maybe This Time sa 'min ng friends ko kanina. Usual kwentuhan lang tapos 'yung pine-play sa radio eh 'yung mga old love songs. Syempre, 'yung mga ganung kanta talaga 'yung ang bigat sa feeling na pakinggan lalo na if you're going through a rough time in your life. Naiyak na nga 'yung friends ko eh, pero ako, pinipigilan ko nang sobra. Kahit na parang saktong-sakto sa 'kin 'yung kanta at konti na lang lalabas na anytime 'yung lahat ng sakit, kelangan kong maging matatag kahit sobrang sakit na.
Pero 'tong mga linyang 'to, kahit masakit sa ngayon, sana makanta ko rin one day:
She's smilin' like she used to smile way back then. She's feelin' like she used to feel way back when they tried, but somethin' kept them, waiting for this magic moment...
At dahil sobrang madrama ang buhay, naisipan ko tuloy makinig sa old love songs ngayon, at ang drama ko ngayong gabi: Somewhere Down the Road. Sa panahon ngayon, 'yan ang kanta ko. Kahit na medyo masakit pakinggan 'yung kanta, andun pa rin 'yung positive outlook towards the situation. When you're in love and at the same time in pain, 'wag mong hahayaan na ma-overpower ng pain 'yung love. Kasi 'yung pain mags-subside 'yan at magh-heal in time; pero ang love, lalo 'yang magg-grow sa pagdaan ng mga araw. Kasi ang puso mahirap turuan ; ahit nasasaktan na patuloy pa rin 'yan magmamahal. 'Wag mong hayaan ang sarili mo na ma-down dahil nasasaktan ka; instead, be optimistic with all that's happening.
Everything happens for a reason naman eh. Sa situation ko, hindi ko pa man alam sa ngayon 'yung reason na 'yun, alam kong for the better 'to kaya nangyayari. Syempre masakit, pero sa sakit na nararamdaman ako natututo at nagiging better person every day. Maaayos din lahat in God's time. Alam N'ya ang best time para sa lahat. I'll never give up hanggang kaya ko. 'Pag mahal mo naman ang isang tao kakayanin mo eh. Sabihin man ng ibang tao na mali ang magpakatanga or umasa masyado, you'll never know the feeling unless you are the one experiencing it. Hindi biro 'yung three years na nasimulan namin at tatapusin namin sa ganito na lang. Maaayos pa 'to; hindi pa man siguro ngayon, pero dadating din 'yung oras.
Maybe the best is yet to come...
0 comments:
Post a Comment