Friday, 7 September 2012

Like I Always Do

Posted by Anna Cali at 3:06 pm

Every girl has their best friend, boyfriend and true love. Lucky if they are all the same person.


Who would've thought na mangyayari lahat ng nangyayari ngayon, 'di ba? Everything's going perfectly fine, tapos biglang ganito na lang. Sobrang dami nating plano na magkasama sa future, remember? 'Pag wala tayong magawa, bigla na lang natin 'yun mapapag-usapan at mabibigla na lang tayo na nagma-match 'yung individual plans natin :)

Ang dami nga raw bilib satin kasi kinaya natin 'yung LDR for one year kahit na mahirap at nakaka-drain kung minsan. Ako nga rin bilib sa tatag nating dalawa eh. Anong secret? Siguro dahil pinag-usapan na naming dalawa 'yung pros and cons nito bago pa man namin ma-experience, para naman madali kami makapag-adjust sa sudden change na mangyayari.

Kinaya naman natin nang isang taon, 'di ba? So there's a big possibility na kakayanin pa natin ng mas matagal na panahon, lalo na ngayon kasi mas maluwag na 'yung schedule ko para umuwi nang mas madalas. Pero bakit along the way, biglang nawala lahat ng pinaghirapan natin ipaglaban? :( 'Di ba sabi natin sa isa't-isa, walang susuko at walang iwanan? Na kakayanin natin lahat ng pwedeng mangyari? Na ilang taon lang naman 'to ng sakripisyo kasi 'pag nakatapos na tayo, matutupad na lahat ng mga plano natin?

Sobrang swerte ko sayo, kung alam mo lang 'yun. Sabi nga nila, wala namang perfect na tao, pero ikaw almost perfect ka na. Sobrang bait mo sakin; na kahit na sobrang tigas ng ulo ko at hindi agad ako nakikinig sa 'yo at may pagka-spoiled brat ako, iniintindi mo pa rin ako. Kahit na palagi tayong gahol sa oras, gumagawa ka pa rin ng paraan para magkasama o magkausap tayo. Kahit na sa maliliit at simpleng bagay, bumabawi ka sakin 'pag may mga tampuhan o hindi pagkakaintindihan.

Palagi ko namang sinasabi sa 'yo na you're than a boyfriend to me, 'di ba? Ikaw ang Kuya ko na palagi kong kasama kung saan-saan. Ikaw din ang Tatay at Nanay ko na pinagsasabihan ako 'pag may mali akong ginagawa at hindi nag-aaral ng maayos. And most importantly, ikaw ang BEST FRIEND ko. Ikaw 'yung taong nakakakilala at tanggap kung sino talaga ako simula paggising ko sa umaga hanggang sa pagtulog ko sa gabi. Kahit na minsan bipolar ako, tinatawanan mo na lang 'yun at sinasakyan ang mga kabaliwan ko :)

Miss na kita. Miss ko na rin 'yung pang-aapi mo sakin 'pag nagkuukulitan tayo. Miss ko na rin 'yung padamihan at agawan natin ng pagkain 'pag binibisita mo ako. Miss ko na rin 'yung bigla-bigla ka na lang magugulat 'pag nakakatulog ka. Miss ko na 'yung every time na magm-mall tayo, 'di pwedeng hindi tayo bibili ng DQ at pahilian pa tayong dalawa sa inorder natin. Miss ko na maging makulit at madaldal kasama ka. Miss ko na tayo :(

Alam ko namang 'di mo mababasa 'to eh. Swerte ko na lang kung mababasa mo 'to at least nalaman mo nararamdaman ko, 'di ba? Nagawa ko na lahat ng alam at kaya kong gawin para maayos natin lahat. Palagi pa rin ako umiiyak 'pag naaalala ko lahat. Palagi ko pa rin pinagdadasal na magkaka-ayos tayong dalawa. Magkausap lang tayo, magiging okay na ako. Kakalimutan ko lahat ng kung anuman ang nangyari para makapagsimula tayo ng bago. Sana maayos na lahat. Sana...

Iloveyou, beggy :'(

0 comments:

Post a Comment

 

Behind Anna's Smile Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos