Monday, 10 September 2012

Distance means so little when someone means so much...

Posted by Anna Cali at 2:35 pm
True love doesn't mean being inseparable; it means being separated and nothing changes.

Have you ever experienced being in a long-distance relationship? Madaming nagsasabi na kalokohan lang daw ang pumasok sa ganitong klaseng relasyon -- pwera raw hindi magw-work kasi magkalayo raw kayong dalawa, madalang lang kayo magkakasama, magkakasawaan, may possibility na magkameron nang third party at kung ano-ano pang mga dahilan para masira ang isang relasyon.

Pero bakit ba sa mga negative outcome tayo nagf-focus, 'di ba? Marami naman ding mga bagay ang maipagmamalaki sa ganitong klaseng relationship. 

I've been in a relationship for three years now. During the first two years, normal lang 'yung situation namin -- kumbaga usual high school love. Everyday kami magkasama kasi same school lang naman kami -- sabay kumain every break, sabay minsan kung gumawa ng mga homework at isa lang ang group of friends namin. Magkasabay kami palagi 'pag umuuwi kasi sa magkasunod na street lang naman 'yung mga bahay namin. Every weekend lumalabas din kami, nood ng sine or tambay sa mga bahay ng barkada. Every night, kahit buong araw na kami magkasama, mag-uusap pa rin kami over the phone. 'Pag 'di agad ako makatulog, one hour na naka on-call 'yung line para feel ko meron pa rin akong kasama kahit pareho na kaming matutulog. Nasanay na kami sa ganito naming set-up for two years.

Syempre, hindi naman magiging strong ang isang relationship kung hindi ito dadaan sa mga obstacles and trials. Come May 2011, I have to settle in Manila for my studies. Malaking adjustment 'yun para sa aming dalawa lalo na sa nakasanayan na namin na routine every day. Bago pa man dumating ang May, napag-usapan na namin ang mga adjustments naming dalawa lalo na sa mga schedule namin.

Before mag-start 'yung classes ko, bonding muna kami just like the old times. Pero kelangan n'ya umuwi agad kasi ako papasok na at tandang-tanda ko nung araw na umuwi sya -- nakasakay kami ng Ate ko sa pedicab habang s'ya naman nakasakay sa jeep. Sobrang naiiyak ako nun kasi parang dati palagi kami magkasabay umuwi tapos ngayon s'ya na lang 'yung uuwi mag-isa. We still always make it to a point na mag-usap kami every night, or mag-usap through Skype or ooVoo, or minsan pa eh sabay 'yan 'pag medyo malabo 'yung dating over the phone. May times na hindi ako nakakauwi ng Batangas during weekends, kaya s'ya ang pumupunta at bumibisita sa 'min sa Manila; mas maluwag kasi 'yung schedule n'ya compared sa 'kin. Basta ang usapan naming dalawa, kapag free 'yung weekend namin we spend time with each other para naman we make up for the lost time for each other. First thing I've learned? I have to be flexible with everything and I should know how to balance my time with every aspect of my life. Flexible in a sense na dapat madali akong maka-adjust sa mga changes na nangyayari at dapat handa akong harapin ang mga 'yun. Balance naman kasi we will never really grow as a person kung sa isang aspeto lang ng buhay natin tayo naka-focus; dapat we give time to each aspect of our life for us to grow and mature wholly.

Kinaya namin 'yung ganitong set-up for one year. Kahit na minsan nagkakaroon nang misunderstandings o maliliit na tampuhan, 'di naman 'yun maiiwasan eh lalo na kasi nasanay kami na palagi kaming magkasama. May mga times din na hindi na kami nakakapag-usap or video call kasi sobrang dami ng mga kelangan gawin at tapusin; or sobrang conflict sa mga schdule naming dalawa. Little by little, nakaka-adjust naman kami kahit na nahihirapan pa rin kami. Pero sabi nga: kung walang tiyaga, walang nilaga. Second thing I have learned? You should learn how to sacrifice when you're in a relationship. Lalo na 'pag nasa isang long-distance relationship. There will come a time na you have to choose between things; pero ganun naman talaga ang buhay eh. Life's full of choices and chances, and we have to be wise in picking and grabbing those.

Lastly, but the most important lesson I have learned with this kind of relationship: Always remember the one thing that made you fight and keep this relationship -- which is love. Sabi nga: "Kapag dumating ka na sa punto na gusto mo nang bumitaw at sumuko, isipin at tandaan mo muna ang dahilan kung bakit ka kumapit ng ganyan katagal." Totoo naman, hindi ba? Lalo na sa katulad ng relationship namin, hahayaan na lang ba namin na masayang lahat nang pinaghirapan at nabuo namin dahil lang sa sinasabi nilang distance? Bakit kami bibigay at susuko sa distance na 'yan kung marami namang paraan para punuan ang mga pagkukulang namin? 'Wag tayong nagpapadala agad at nagpapadikta sa mga sinasabi lang ng mga taong nakapaligid sa atin. Hindi naman nila alam kung ano 'yung talagang nararanasan at nararamdaman natin towards our loved one. Malalaman lang nila 'yun kung sila na ang nasa sitwasyon natin. At tsaka, tayo naman ang involved sa relationship na 'yun, 'di ba? Bakit kelangan na may makisali na iba?

Tulad nung picture na nasa itaas, ganyan ang set-up namin almost every night for one year. Through the use of technology, kayang-kaya mag-survive ng isang long-distance relationship. Minsan, habang naka-video call kami, sabay kaming gumagawa ng mga homework or sa harap na din ng webcam kami kumakain. Sa mga simpleng bagay tulad noon, hindi nawawala 'yung bond namin with each other. 'Yan ba ang sinasabi nilang "Distance makes the heart forget"? Hindi naman 'yun totoo eh. Nasa dalawang tao 'yun sa isang relationship kung paano nila ipagpapatuloy 'yung routine na nakasanayan nila. Oo nga at may mga magiging adjustments, pero maliliit lang na bagay 'yun kung ikukumpara sa iniingatan n'yo na relationship, 'di ba?

Ang long-distance relationships ang isa sa mga pinaka-subok at pinakamatatag na klase ng isang relasyon. Bakit? Tinuturuan nito ang dalawang individuals na maging strong at buhay ang feelings nila with their loved ones at sa pag-iwas sa mga temptation sa paligid nila. Kung ako ang tatanungin, mas natuto akong magpahalaga sa feelings at oras naming dalawa nung pinasok namin ang long-distance relationship. Kumbaga, we learned to grab every chance we get just to be with each other. Natuto rin kami na hindi maging taken for granted ang kung ano mang meron kami.

Distance means so little when someone means so much... Totoo naman ito eh. 'Wag tayong magpapadala sa mga hardships at trials na kelangan nating pagdaanan kasi d'yan tayo matututo sa buhay at magiging strong. Lahat naman ng bagay na kelangan natin sa buhay hindi nakukuha instantly, 'di ba? Palagi 'tong pinaghihirapan muna; para 'pag nakuha na natin, sobrang papahalagahan natin 'to at masasabi natin sa mga sarili natin na: It's worth it.






0 comments:

Post a Comment

 

Behind Anna's Smile Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos