Monday, 10 September 2012

Bestfriend for Life

Posted by Anna Cali at 3:14 pm

“Your mother is possibly the best friend you will ever have. She loves you when you love her back, she loves you when you don't. She loves you when you cry and when you laugh. She loves you when you are wrong and when you are right. She loves you because you are her child, forever and a day. If you want to catch a glimpse of what the love of God looks like, look at your mother.”

― Ryan Crowe


She never left my side. Kahit na most of the time 'di kami magkasama kasi sa Manila na 'ko nags-stay, constant pa rin 'yung communication naming dalawa kaya feeling namin 'di kami magkalayo. Palagi kaming may kwentuhan at chikahan portion sa gabi over the phone, walang absent!

 Very cool mom. Ay nako, minsan 'yan pa ang nauunang makaalam ng mga uso! Malaman ko na lang nakikiuso na rin 'yan. Lalo na sa panahon ngayon na uso na ang BBM, 'di 'yan nagpapahuli, nagb-BBM rin 'yan sakin! Minsan nga gusto pa raw mag-Twitter, sabi ko 'wag na at 'pag nagkameron 'yan ng account 'dun eh lagot na! At very active n'yan sa FB, may pagka-stalker din 'yan ng konti kaya alam lahat ng chika at gala ko! Gusto n'yan na s'ya ang susundo sa 'kin para bonding kaming tatlo ng mga Ate, gala forever! Kung saan-saan kami nakakarating basta kami ang magkakasama sa galaan! Mas maarte pa rin 'yan sa 'min, pero 'pag nakita na namin ang mga kaartehan n'ya na nabili, kukunin na namin agad kaya kami rin nagbe-benefit. Bagets na bagets pa rin 'yan kaya sobrang enjoy 'pag magkakasama kami.

Best friend forever. Kahit na madalas ko s'yang natatarayan at 'di napapansin, iniintindi pa rin ako n'yan. Gusto n'yan palagi kaming nagkkwento sa kanya ng mga nangyayari samin -- school-related man o tungkol sa personal life namin. Sabi nga n'ya, "Ako ang best friend n'yo, kaya 'wag kayong mahihiyang magkwento sa 'kin dahil maiintindihan ko naman kayo. Ang gusto ko lang nagsasabi kayo sa 'kin,". O 'di ba, cool ng Mommy ko? :D 'Pag may problema ako, nas-sense agad n'yan. Kahit na ayaw pa n'yan na mag-boyfriend ako, 'di s'ya nagalit nung nalaman n'ya. Ang sa kanya lang naman gusto n'ya i-prioritize pa rin 'yung studies, pero hindi naman maiiwasan na na magmahal kaya okay lang sa kanya. Basta ang sa kanya, open dapat ang communication namin.

Superwoman -- 'yan ang best description para sa kanya. S'ya na ata ang pinakamabait, pinaka-strong at pinaka-loving na tao na nakilala ko sa buong buhay ko. Best Mother in the world, ika nga. I'd be lost without her. Kung hindi dahil sa kanya, siguro hindi ako matuto nang ganito sa buhay. Sa kanya at sa experiences n'ya at namin ako natuto kung paano maging strong at matatag sa lahat ng kelangang harapin sa buhay. Natuto rin akong magpahalaga sa mga maliliit na bagay sa buhay natin dahil sa view n'ya sa buhay. Kahit na makulit 'yan, love na love ko 'yan to the highest level! :D



P. S. Naalala ko 'yung pagsayaw n'ya kahapon at pag-wave. Sobrang tawa ko kaya sumakit ang ulo ko at nakalimutan ko s'yang i-video :))


0 comments:

Post a Comment

 

Behind Anna's Smile Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos