Friday, 7 September 2012

Sisters by Heart

Posted by Anna Cali at 8:51 pm

Carmela Claire. Jahm Mae. Marielle Christi. Patricia Marinela.


'Yan ang mga ipapangalan ko sa mga magiging anak ko. Dejokelang :p These names mean so much to me.

Pa'no ba nagsimula friendship naming lima? Well... 'di rin namin alam :p Basta ang tanda lang namin, magkakasama kami during our LPEP 2011 days then eto na, palagi na kami magkakasama.


Carmela Claire. Paningit lang talaga 'to samin eh. Joke lang :p Pero originally, 'di talaga namin s'ya nakasama during LPEP. May iba pa s'yang set of friends nun at balita namin eh kumu-conyo pa s'ya nung mga panahon na 'yun. Future CPA-lawyer ng barkada 'yan at future K-Pop Superstar na rin :p Basta andyan si Carmils, pangalan na ni Tita/Mommy Teresa kasunod nyan.

Jahm Mae. Eto ang malapit na maging CPA ng barkada, tapos na 'yan ng first Modular program eh. Super proud kami dito kay Jahmmi kasi naba-balance n'ya 'yung extra-curricular activities at studies nya. Lasallian Ambassador pa 'yan ha! Kahit na medyo 'di namin s'ya nakasama last term kasi nag-majors na s'ya, 'di pa rin 'yan nawawala every special occasions. 'Pag kelangan namin ng tulong sa accounting, Jahmmi to the rescue agad 'yan!

Marielle Christi. Ay eto ang anak kong ubod nang dami ang floaters sa katawan, sarap kurutin palagi ng braso at tyan :p Eto ang kasama ko most of the time kasi madami kaming subjects na magkaklase kami. Kaming dalawa ang magkasama sa food trips namin every break time kaya kung saan-saan kami nakakarating n'yan. Kahit na palagi ko 'yan napapagsabihan, 'di ko 'yan iniiwan 'pag kelangan n'ya nang tulong sa mga bagay-bagay. Future Economist ata ang gusto nito eh, with Mr. Treasurer :p Eto palagi namin binibigyan ng mga love advice kasi gusto na daw n'ya makita ang right guy for her. Malapit na rin 'tong maging K-Pop Superstar!

Patricia Marinela. Patreeeeeng! Eto ang Future Industrial Engineer ng barkada eh. Basta andyan si Patreng, andyan din ang loves of her life na sina... masyadong madami eh, ayoko na isa-isahin :p Kahit na iba na ang college nito, palagi pa rin namin 'to nakakasama sa mga food trips at galaan namin. Gora 'yan kahit saan kahit na sa Marikina pa 'yan uuwi! Madali ko 'to mahagilap 'pag may chika akong ikkwento o gusto ko lang mag-share ng mga bagay-bagay sa buhay. Eto ang Best Stalker ng barkada eh!


Kung hindi sila ang kasama ko ngayong college, 'di siguro ganito kasaya ang experiences ko. Mapa-group study man 'yan o simpleng get-together lang 'pag may free time ang lahat, 'di mawawala ang tawanan at asaran. Palagi rin kami nagssleep-over kung kani-kaninong condo namin para tuloy pa rin ang saya, kahit minsan inaabot na ng madaling-araw sa kwentuhan at tawanan.

Without these girls, I will not appreciate college life. Kumbaga, sila 'yung nagbibigay ng sugar, spice and everything nice sa lahat ng nangyayari sa buhay college ko eh. Palagi naming sinasabi na hindi lang kami friends, but we're sisters by heart. 'Pag may dinadala o problema ang isa samin, bubuhatin o sosolusyunan naming lahat 'yan para hindi mabigat o hindi na lumaki pa.

Sa ngayon pa lang, alam kong pagtanda namin at naging successful na kami sa chosen careers namin, kami pa rin ang magkakasama at magdadamayan until the end. :)

0 comments:

Post a Comment

 

Behind Anna's Smile Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos