Friday, 21 September 2012

The Second Mom

Posted by Anna Cali at 11:29 pm
Mother Tamyn. Natatawa ako sa name na sa phone ko, super cool! Cool n'ya kasing nanay eh, parang barkada lang din. She's my second mother -- mother ni JC. Sobrang tagal na rin nang pinagsamahan naming dalawa, 'kala mo kami ang mag-nanay. Gusto rin n'ya Mama talaga ang tawag ko sa kanya. 

Everytime may problema kami, nas-sense agad n'yan. Kahit na minsan 'di rin maganda na nalalaman n'ya, mabuti na rin kasi may nagiging mediator kami. D'yan ako umiiyak nung high school 'pag 'di kami magkasundo ni JC. Malimit ko rin 'yan ka-text at ka-chat kahit 'di alam ng anak n'ya -- kumustahan, kwentuhan or minsan sa 'kin n'ya hinahanap si JC.

Sobrang naging Mama na s'ya sa 'kin. 'Di n'ya ako tinuturing na girlfriend lang ng anak n'ya, kundi parang anak na rin n'ya. Sinasama n'ya rin kami minsan ni JC 'pag magm-mall 'yung family nila. Dakilang sabit naman ako :p Feeling official member na tuloy ako ng family. Siguro s'ya rin 'yung isang reason kung bakit naging sobrang strong ng relationship namin ni JC.

At ngayon nga na nangyari 'to, s'ya 'yung nagkaroon nang napakalaking part para kahit papaano eh gumaan at maging maayos 'yung nararamdaman ko. Usual kwentuhan lang naman kasi namin sa FB eh, kaso napag-usapan namin 'yung about sa problem. 'Yung print screen nung conversation namin sa taas 'yung sobrang nakapagpangiti sa 'kin:

"Basta alam mo na ikaw ang gusto ko sa kanya kaya hayaan mo na s'ya ang gumawa nang move sa inyo..."

Being in a relationship, sobrang sarap sa pakiramdam 'pag tanggap ka ng family ng boyfriend mo -- lalo na ng mother n'ya. Iba kasi talaga 'pag family na ang pinag-uusapan eh. Ang gaan sa pakiramdam na nanggaling sa kanya 'yung assurance. Ang sarap din sa feeling na s'ya 'yung nagc-comfort at gumagawa ng ilang way para maayos 'yun mga gusot.

Thankful ako na nakilala ko s'ya at nagkameron kami ng tight bond with each other. She's one of the persons who taught me how to be strong and not to lose hope. Grateful din ako na parang may another mother-slash-bestfriend ako aside from my biological mother.

Stay cool and pretty, Mama Tamyn! 

0 comments:

Post a Comment

 

Behind Anna's Smile Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos