Friday, 7 September 2012

Long Lost Sister

Posted by Anna Cali at 3:33 pm


Hoy Miss! Happy birthday :D Ka-birthday mo tuloy 'tong blog ko, sinimulan mo kasi ako ng pagd-drama eh. Dami nating picture, no? Wala pa nga ata 'to sa 1/4 ng mga picture natin na magkasama eh, sobrang piling-pili pa 'to :) Bawat picture ata dito tanda ko pa ang mga kwento! Meron dito nung retreat, nung fiesta samin, 'yung birthday ni Ram na napagkatuwaan mo 'yung bike, nung ICC nung 3rd at marami pang iba. O 'di ba, talas pa ng memory ko? :D

Miss na kita :( Wala tuloy akong mahagilap basta-basta paglalakwatcha at sa kung ano-anong trip sa buhay. Tanda mo pa ang mga biglaan nating trip pagpunta sa bahay n'yo para mag-isaw at maghappy-happy? Pati ang everyday nating pag-uwi ng sabay nung 4th year sa araw man o ulan. At ang 'di ko makakalimutan eh 'yung ginupitan kita ng Jolina bangs mo sa CR nung 4th year :)) Dun ko nalaman na wala akong future sa pagiging manggugupit :p

Kahit na magkalayo tayo ngayon, 'di pa rin tayo nakakalimot i-update ang isa't-isa sa mga nangyayari sa ating  buhay-buhay. Ansabeh ng technology kung hindi gagamitin, 'di ba? Kahit na palagi pa rin kita pinagsasabuhan at minumura pagdating sa iyong love life, sakin ka pa rin nagkkwento at the end of the day. At ako naman si taong titiisin muna hanggat kaya pa, palaging huli kang balitaan ng mga nangyayari. Kahit na minsan 'di ko nasasagot mga chat mo sa Viber sa sobrang dami ng ginagawa, 'pag sumasagot ako eh sumsagot ka naman agad. Kahit na palagi mo akong pinapaiyak 'pag kinukumusta mo kaming dalawa lung okay na kami, nakakagaan pa rin ng feeling kasi at least nasasabi ko sa 'yo ang mga nararamdaman ko. Kahit na sabihin mong kalimutan ko na, hindi naman madali 'di ba?

We'll see each other very soon, 'di ba? Kung sasagutin mo naman ang plane ticket ko eh ngayon pa lang lilipad na ako papuntang Roma! :p Ang tagal mo naman kasing umuwi eh! Miss ko na tuloy si Mama Sol at 'yung chocolate na may strawberry filling sa loob c/o your father dearest :)) Miss ko na rin 'yung mahuhuli kitang tulog sa loob ng classroom at pipicturan agad kita para dagdag sa collection ko ng mga natutulog mong picture :p


Happy, happy birthday, Lilo my loves! Bonding at its soonest ha! :D


A best friend is there when you have nothing, and most importantly when you feel like nothing.


0 comments:

Post a Comment

 

Behind Anna's Smile Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos