When love ends how long should you hold on? How soon should you let go? How do you move on? For anyone who has ever loved and lost.
Sino ba namang taong in love man o hindi ang hindi pa nakakapanood ng movie na One More Chance? Halos lahat naman ata tayo nakaka-realte sa movie na 'to, 'di ba? We could see the reality of life and love in this movie -- na hindi lang puro saya at ngiti ang mararanasan natin palagi; na andyan ang mga panahon na iiyak tayo at masasaktan para matuto. We learned so many things from the two protagonists, which is Basha and Popoy. May pagakataon na sa side tayo ni Basha kampi, at may times din na kay Popoy tayo. We will never know the true and complete story until we know each of their side and point of view, sabi nga nila.
Naisipan ko lang gawan ng mga reflections at connections sa totoong buhay 'yung mga eksena at memorable lines sa movie, kasi nga sabi ng karamihan sa 'tin, nakaka-relate tayo.
Totoo. It's hard to enter into a relationship if one, or both of you, is/are not yet matured enough to face all the challenges in the near future. Kasi ang love at relationship naman eh hindi lang lahat umiikot sa flowers, chocolates, dates at public display of affection; eto ay isang turning point sa buhay ng isang tao. Oo nga at hindi naman mawawala ang mga bagay na 'yan sa isang relasyon, pero dapat iniisip natin na hindi lang ang mga 'yan ang bumubuo nito. Dadating at dadating sa point na magkaka-problema kayo at hindi maiiwasan na maiisip n'yong sumuko na lang. Merong mga tao na pipiliin na sabay nilang harapin 'yun na magkasama, pero meron ding mga tao na pipiliing maghiwalay na lang sila. At 'yun ang masakit na reality. Pero minsan, it's better for them to break, kasi minsan, dun sila matututo, magiging mature at mate-test ang feelings nila towards the other person. And eventually, maiisip nila na it's better for them to make their relationship work again, than to carry the burden of being hurt and regretful na sana habang maaga pa eh binalikan n'ya kung anuman 'yung naiwan n'ya.
"Bash, you know me. If kaya pang ayusin, pipilitin. But if this is what really both of you need, then just be strong. Magiging mahirap at masakit, pero hopefully, all the pain would be worth it." ~Krizzy
Lahat naman ng bagay merong solusyon eh. Pero syempre, hindi naman lahat ng bagay madaling solusyunan. Meron ding bagay na hindi natin alam kung maaayos pa. Andyan 'yung time na pareho na kayong susuko at titigilan na ang mag-try. Masasaktan tayo throughout the process, pero 'yun ang realidad. Kung hindi tayo masasaktan, hindi tayo matututo sa mga pangyayari. Dadating at dadating sa point na iiwan ka nilang lahat, at wala kang maaasahan kundi ang sarili mo at si God. Oo nga at andyan naman ang mga kaibigan mo at pamilya mo, pero 'pag sobra nang magulo ang lahat, sarili mo lang at si God ang matatakbuhan mo at makukuhanan mo ng sagot sa lahat ng tanong mo. Maaayos din naman ang lahat eh. Think positive lang. At 'pag dumating na 'yung time na 'yun, masasabi mo na lang sa sarili mo na: All the pain's worth it.
"Pero pag sa tuwing mararamdaman ko kung gaano kita kamahal, hindi ko maiwasan na maramdaman ulit lahat ng sakit. I’m sorry. Ako naman ang may kailangan ng panahon ngayon. Para makalimutan ko lahat ng sakit. Para maalala ko lahat ng maganda at mabuti sa atin. Para bumalik yung Popoy na nawala, nung nagkahiwalay tayo." ~Popoy
Within the course of your relationship, hindi maiiwasan na makakalimutan mo na 'yung dati mong sarili, 'yung sarili mo bago maging kayo. Syempre, masasanay ka na dun sa sarili mo 'pag magkasama kayo. Hindi naman masama 'yun, kasi ganun naman talaga ang kadalasan na nangyayari. 'Yun na 'yung routine n'yo eh, kaya naa-adapt mo na 'yung ganun. Kumbaga, you've built your own world. Pero... pa'no 'pag nawala na 'yung kayo? Pa'no na 'yung dating ikaw at dating s'ya? Pa'no na 'yung mundo na nabuo n'yong dalawa? Kadalasan, 'yan ang nagiging cause ng break-ups. Sasabihin nila, "Pagod na ako sa ganito. Nawala na 'yung dating ako." Ang result? Eh 'di hiwalayan. Ang mali lang kasi sa 'tin, masyado nating kinukulong 'yung sarili natin. Pwede naman kasing nasa isang relationship kayo, pero at the same time you're growing individually. Nasasaktan tayo dahil din sa mga desisyon natin. Pwede naman kasing iwasan ang break-ups na 'yan eh, open communication lang ang katapat n'yan. Ayaw naman siguro natin na masayang lang ang lahat, 'di ba? Ayusin ang dapat ayusin, kesa masaktan at magsisi tayo sa bandang dulo 'pag pinalampas na natin ang mga panahon na pwede pang ayusin ang lahat.
One More Chance taught us to be better persons. Siguro nga merong mga tao na hindi masyadong swerte sa love tulad ni Popoy at ni Basha na open-ended ang kwento -- pwedeng maging sila ulit, pwede rin na hanggang friends na lang sila. Meron din naman na maswerte na nakita na nila ang para sa kanila, congrats naman sa kanila. Treasure what you have now.
May sari-sarili tayong kwento, at nasa atin 'yun kung paano natin ito gagawing maganda at exciting. Ang kwento ni Basha at ni Popoy ay guide lang natin sa mga posibleng mangyari sa ating mga kwento. Pwede na maging katulad ng ending nila ang maging ending ng kwento n'yo, pero mas malaki ang possibility na mas maganda ang kahahantungan ng istorya n'yong dalawa. Basta ang mahalaga, 'wag n'yong kalimutan na tanggapin ang buong pagkatao ng taong mahal n'yo, at gawing center ng relationship si God. 'Pag S'ya ang center ng buhay at relationship n'yo. for sure ig-guide N'ya kayo sa journey n'yo together.
0 comments:
Post a Comment