Sunday, 30 September 2012

09.30.12 | Day 14: A picture of your favorite store.

Posted by Anna Cali at 6:57 pm 0 comments
Shoes everywhere!

Saturday, 29 September 2012

After the Rain

Posted by Anna Cali at 10:22 pm 0 comments
Now that it's all gone, I'm ready to carry on.

Thank you for being that shoulder to cry on and the wiper of my tears, even if sometimes you’re the reason behind them. We have been through it all together. The worst of fights but always the best makeups. I understand your past & all the hardships you had to endure as a child growing up; but I accept you, I’m here for you through it all.

You’re my best friend and lover all wrapped in one. I can see myself marrying you and us starting our family together. I want you the be the one that my children call “daddy.” I want us to have that perfect family we never had as kids ourselves. I want to travel the world with you; & everything there is to experience in life, I want to experience it with you right by my side. I want it all and I want it with you.

09.29.12 | Day 13: A picture of your favorite band or artist.

Posted by Anna Cali at 9:06 pm 0 comments
Ne-Yo :)

Friday, 28 September 2012

09.28.12 | Day 12: A picture of something you love.

Posted by Anna Cali at 9:14 pm 0 comments
Sunset.
Every time you wake up and ask yourself, What good things am I going to do today?, remember that when the sun goes down at sunset, it will take a part of your life with it.

Wait For You

Posted by Anna Cali at 2:05 pm 0 comments
Don't keep her waiting just because you know she will.

"I'll wait for you. Hihintayin kita hanggang sa magsawa ako kakahintay sa 'yo,
hanggang sa mapagod ako. Hanggang sa mawalan ako ng lakas.. kakahintay sa 'yo."
-Athena, She's Dating the Gangster


Hanggang kailan ba natin kayang maghintay para sa taong mahal natin? Hanggang kailan natin kayang tiisin lahat ng hirap sa paghihintay? Hanggang kailan tayo magiging matatag sa lahat ng kailangan nating harapin?


Madami tayong tao na hinihintay na makilala at dumating sa buhay natin. 'Yung iba maaaring madali nating makilala, pero kalimitan sinusubok muna tayo ng panahon bago natin masabi na nasa atin na 'yung tao na gusto nating maging parte ng buhay natin. Hindi naman kasi lahat ng magustuhan natin ay madali natin na makukuha. Kung ganun lang din ang buhay, hindi natin masasabi sa sarili natin na worth it 'yung pagdating ng tao na 'yun. Dadaan muna tayo sa madaming problema at pagsubok para makita natin sa mga sarili natin kung haggang saan nga ba ang kaya nating isugal sa paghihintay.

Tulad ni Kenji at Athena sa kwentong She's Dating the Gangster, sinubok sila ng tadhana at panahon kung haggang saan nila kakayanin ang hirap at pagsubok ng paghihintay. Ganun naman kasi talaga ang buhay eh, tinuturuan tayo na hindi natin i-take for granted ang mga bagay na maaaring once lang dumating sa buhay natin. Ayaw naman nating masayang lahat nang pinaghirapan natin, 'di ba? Lalo na kung 'yung pinaghirapan mo na 'yun eh 'yung matagal mo nang hinahanap at hinihintay sa buhay mo.

Lahat naman tayo handang maghintay sa pagdating ng tamang panahon para sa love sa mga buhay natin. 'Yun nga lang, may mga taong sobrang ikli ng pasensya at hindi makapaghintay sa tamang panahon. Kaya anong nangyayari? Hindi nila nakukuhat at nakikita ang totoong happiness nila. Meron namang iba na dahil sa sobrang nainip na sa kakahintay, naghanap na lang ng iba na mas madali nilang makukuha. Pero, 'yun ba 'yung talagang hinahanap nila, hindi naman, 'di ba? Kaya, hindi pa rin nila masabi sa sarili nila na masaya sila talaga.

Pero meron pa rin namang ilan na handang maghintay para sa tamang panahon para makuha nila ang matagal na nilang hinihintay na happiness. Sila 'yung mga taong kahit na mapag-iwanan na ng panahon, handa pa ring maghintay at umasa. Sila 'yung taong alam talaga kung anong gusto nila at handang gawin lahat para sa happiness na 'yun. SIla ang mga taong handang sumugal sa love. Maaaring makuha nila 'yun at the end of the road, pero walang assurance. Akala kasi ng ibang tao katangahan lang ang maghintay para sa pag-ibig. Siguro kaya nila nasasabi 'yun kasi nags-settle sila sa pwede na, hindi dun sa eto na talaga. Pero, they're still taking the risk. Hindi sila playing safe sa buhay. Wala naman kasi tayong matututunan kung palagi na lang tayong playing safe at nakukuntento na sa pwede na.


'Wag kasi tayo matakot isugal ang kung anong meron tayo kung kapalit naman nito ang kasiyahan natin. Pero syempre, dapat alam din natin kung hanggang saan lang tayo. Andun pa rin dapat 'yung limit. Hindi kasi tayo magiging totoong masaya kung ang tadhana na lang ang pagdedesisyunin natin sa kung anong mangyayari sa buhay natin; syempre, kailangan gumagawa rin tayo ng paraan. Buhay naman natin 'to eh kaya nasa kamay natin kung paano natin ito susulitin. At the end of the day, ang gusto lang naman nating lahat ay ang maramdaman na may nagmamahal sa atin at lahat tayo masaya.


© Thank you to Trisha Tadeo para sa subject ng post na 'to. 

Thursday, 27 September 2012

09.27.12| Day 11: A picture of something you hate.

Posted by Anna Cali at 8:33 pm 0 comments
Gloomy weather. It makes me sad and remember all the pain in life.

Wednesday, 26 September 2012

09.26.12 | Day 10: A picture of someone you do the craziest things with.

Posted by Anna Cali at 10:54 pm 0 comments
I'm more crazy when I'm with you. ©
Baliw na nga ako 'pag normal na araw, mas baliw pa ako kapag magkasama kaming dalawa. Lahat na ata ng kabaliwan at kalokohan sa mundo eh ready naming i-try at i-enjoy -- noon.

Those little things which created most memories made me miss you more. Akala mo wala lang sa 'kin lahat ng kalokohan natin, pero lahat ng 'yun nakatatak sa isip ko.

I'm looking forward in creating more memories with you. Maybe not at this moment, but I am very sure that the right time will come. ©

Tuesday, 25 September 2012

Even if there is pain now, everything would be all right.

Posted by Anna Cali at 11:12 pm 0 comments
"'Wag ka na masyadong mag-isip ha. Na-miss kita :')"

09.25.12 | Day 09: A picture of the person who has gotten you through the most.

Posted by Anna Cali at 9:55 pm 0 comments
Jovanni Carl ©

Parang roller coaster ride na ang mga problemang napagdaanan naming dalawa sa journey namin, pero nalampasan naman namin lahat ng 'yun. Pero... 'di pa pala tapos ang ride. Madami pa palang loops ang kelangan pa namin pagdaanan, at hindi namin alam kung kelan matatapos ang ride ng mga challenges na 'to; but I know that we can get through it all.

Life is like a roller coaster -- it has its ups and downs. It's your choice to just scream and enjoy the ride.

*Nakaw picture lang ulit ako sa Facebook account n'ya.*


Monday, 24 September 2012

09.24.12 | Day 08: A picture of your most treasured item.

Posted by Anna Cali at 9:51 pm 0 comments
The first couple ring. It's still with me! J

Sunday, 23 September 2012

Between Goodbye and Letting Go

Posted by Anna Cali at 8:22 pm 0 comments

Pain is inevitable, especially in love. True love always comes with pain. We cannot restrain ourselves from getting hurt. Being hurt when you’re in love only proves that what you are feeling is genuine. 

Oftentimes, we try to escape the harsh reality of life -- we don’t let ourselves see that life is not perfect, that it is not a fairytale, that it doesn’t have a happily ever after, and most especially, we cannot accept the fact that we are getting hurt. Once we feel the hurt, what we first think to do is to move away from it for us not to feel it. Eventually, We are torn from saying goodbye to the one we love and letting go because of that pain in our lives.

Goodbye and letting go are words we use interchangeably. Little did we know that those words have exactly different meanings from each other. There’s a difference between goodbye and letting go.

Goodbye is, “I’ll see you again when I’m ready to hold your hand and when you’re ready to hold mine.”

Goodbye is not as bad as what we think it is. Saying goodbye does not necessarily mean you should part ways permanently with the one you love – it just simply means that you two just need sometime alone to think about things and ready yourselves with what life might bring you in the future. Maybe it’s hard to admit but eventually, there will come a time that you will need to say goodbye in your relationship. Of course it’s hard and painful; but maybe it’s the best thing you can do to save your relationship from scattering into pieces until nothing’s left for the both of you. Time is all that you need to save all the things you’ve built up in the past; and when you’re ready, nothing that life gives you will bring the both of you down because you’re stronger and better than before. If it's meant to be, nothing will ever break and destroy the love and bond that you have created and started. You just have to believe in God's right timing and eventually, everything will fall in their right places.

Letting go is, “I’ll miss your hand. I realized it’s not mine to hold, and I will never hold it again.”

Letting go is one of the hardest things you could ever do in your life, especially when you will let go of the one you love. As the song goes, “Letting go is not an easy task; when smiling feels like I must wear this lonely mask...” True. No one said it was easy. No guaranty of happiness after all. Letting go of a relationship that you thought would last forever is heart-breaking and very hard to accept. There will come a point in your life wherein the only thing you could do is to ask “What happened?” What happened to our promises to each other? What happened to all plans together? What happened to us? Pain will eventually make us not believe in love anymore. But, if letting go is your only choice, what would you do? What if staying in your relationship will only trigger more pain? Letting go means that you have accepted or on your way accepting the fact that you two or not meant to be together. You are making way for better things to come by going on separate ways. You are the brave one who faced the reality of life and love, and there is only one thing to get by with it – through acceptance.

So, what stage are you in?

Will you choose to stay goodbye or should you let go?

Your decision will surely have a big impact in your life somewhere in the future, so choose and decide wisely.

09.23.12 | Day 07: A picture that makes you laugh.

Posted by Anna Cali at 7:15 pm 0 comments
Our usual selves :) | October 2011
Series of wacky pictures kasi talaga 'to, pumili na lang ako ng medyo okay pa naman tingnan na nakakatawa. Eto talaga hobby namin eh, magmukhang engot sa harap ng camera. Everytime na makikita ko 'tong picture na 'to, 'di ko talaga mapigilan tumawa! May video pa nga 'to na kasama eh, mas laughtrip pa 'yun.

Kahit na pagod na pagod ako nung araw na 'to kasi kakatapos lang nung ocular namin sa Caloocan for CWTS, nakakagaan ng loob 'pag alam mong may taong dadamayan ka pagkatapos ng mahaba mong araw. 'Yung taong kahit sa mga simpleng bagay lang eh pinapangiti ka at pinaparamdam na mahal ka.

Saturday, 22 September 2012

09.22.12 | Day 06: A picture of a person you’d love to trade places with for a day.

Posted by Anna Cali at 11:06 am 0 comments
I want to be the Superwoman for the day. Superwoman = Mommy ©© Nakaw ko lang sa Facebook account n'ya 'tong picture :)

Friday, 21 September 2012

The Second Mom

Posted by Anna Cali at 11:29 pm 0 comments
Mother Tamyn. Natatawa ako sa name na sa phone ko, super cool! Cool n'ya kasing nanay eh, parang barkada lang din. She's my second mother -- mother ni JC. Sobrang tagal na rin nang pinagsamahan naming dalawa, 'kala mo kami ang mag-nanay. Gusto rin n'ya Mama talaga ang tawag ko sa kanya. 

Everytime may problema kami, nas-sense agad n'yan. Kahit na minsan 'di rin maganda na nalalaman n'ya, mabuti na rin kasi may nagiging mediator kami. D'yan ako umiiyak nung high school 'pag 'di kami magkasundo ni JC. Malimit ko rin 'yan ka-text at ka-chat kahit 'di alam ng anak n'ya -- kumustahan, kwentuhan or minsan sa 'kin n'ya hinahanap si JC.

Sobrang naging Mama na s'ya sa 'kin. 'Di n'ya ako tinuturing na girlfriend lang ng anak n'ya, kundi parang anak na rin n'ya. Sinasama n'ya rin kami minsan ni JC 'pag magm-mall 'yung family nila. Dakilang sabit naman ako :p Feeling official member na tuloy ako ng family. Siguro s'ya rin 'yung isang reason kung bakit naging sobrang strong ng relationship namin ni JC.

At ngayon nga na nangyari 'to, s'ya 'yung nagkaroon nang napakalaking part para kahit papaano eh gumaan at maging maayos 'yung nararamdaman ko. Usual kwentuhan lang naman kasi namin sa FB eh, kaso napag-usapan namin 'yung about sa problem. 'Yung print screen nung conversation namin sa taas 'yung sobrang nakapagpangiti sa 'kin:

"Basta alam mo na ikaw ang gusto ko sa kanya kaya hayaan mo na s'ya ang gumawa nang move sa inyo..."

Being in a relationship, sobrang sarap sa pakiramdam 'pag tanggap ka ng family ng boyfriend mo -- lalo na ng mother n'ya. Iba kasi talaga 'pag family na ang pinag-uusapan eh. Ang gaan sa pakiramdam na nanggaling sa kanya 'yung assurance. Ang sarap din sa feeling na s'ya 'yung nagc-comfort at gumagawa ng ilang way para maayos 'yun mga gusot.

Thankful ako na nakilala ko s'ya at nagkameron kami ng tight bond with each other. She's one of the persons who taught me how to be strong and not to lose hope. Grateful din ako na parang may another mother-slash-bestfriend ako aside from my biological mother.

Stay cool and pretty, Mama Tamyn! 

09.21.12 | Day 05: A picture of your favorite memory.

Posted by Anna Cali at 6:31 pm 0 comments
‎"Don't worry, we're just taking off time on our relationship. I'll be back for you, I promise.
I just need some time alone. Just wait for me, I'll be back. I swear."

Ayoko na magsabi o magsalita pa ng kung ano, basta aasahan ko na lang 'yung sinabi mo. 

Thursday, 20 September 2012

Let US!

Posted by Anna Cali at 11:50 pm 0 comments

| | Split a milkshake. | | Go to the aquarium. |X| Take a nap. | | Kiss in the rain. |X| Get a matching outfit.

| | Ride a Ferris Wheel.   | | Buy matching bracelets.   |X| Go on a road trip.   |X| Make breakfast. 

|X| Write each other letters.  | | Go mini golfing.  |X| Get in trouble.  | | Kiss at midnight.  | | Make t-shirts.

| | Bake something.   |X| Go to the beach.   |X| Make a couple video.   | | Go to six flags.

|X| Sing a song really loud.   |X| Order Chinese food.   | | Build a blanket fort.   |X| Stargaze.

|X| Go to the zoo.   |X| Pick out each other's outfits.   | | Go tanning.   | | Have a Harry Potter marathon.

| | Kiss underwater.   | | Watch fireworks.   |X| Fall asleep on the phone.   |X| Get ready together.

| | Go on a classy-ass date.   |X| Get ice cream.  | | Go to the gym.  | | Read a book.  | | Take a bubble bath.

| | Go on a run.   | | Have a paint war.   | | Take a picture of us kissing. |X| Go on a Starbucks date.

|X| Slow dance.   |X| Share popcorn at the movies.   |X| Get a pedicure.   |X| Paint something.

|X| FALL for EACH OTHER :)

21 out of 44.


09.20.21 | Day 04: A picture of yourself and a family member

Posted by Anna Cali at 8:43 pm 0 comments
Parents' Appreciation Night 2011 | March 18, 2011
© Carlo Coloso

Basketball Thursday

Posted by Anna Cali at 8:29 pm 0 comments

'Pag college ka na, hindi mawawala dyan ang panonood ng UAAP games lalo na kung ang school mo eh kasali dun. Marami namang events sa UAAP like Judo, Swimming, Volleyball at kung ano-ano pang sport, pero syempre ang pinakaaabangan eh ang Men's Basketball games kasi andyan ang karamihan sa mga crush ng girls na players!

Sa tinagal-tagal na nang pagpasok ko sa DLSU, never pa akong nakanood ng UAAP Men's Basketball game. Super fan pa naman ako ng basketball at mas gamay ko 'yung flow ng game compared sa ibang events. Nasanay na kasi ako na palaging nanonood ng basketball games eh. Kaso nga lang, palaging conflict sa schedule 'yung mga games tapos dati naman palaging sa Araneta 'yung venue kaya 'di natutuloy 'yung panonood.

At dahil nakaugalian na namin mag-Happy Thursday, eto ang kinalabasan -- our first-ever UAAP Men's Basketball game! 'Di naman kasi talaga s'ya planado, biglaan na lang nagkayayaan! Instead of our usual Happy Thursday na pig-out, we headed to MOA Arena to watch the game -- DLSU vs AdU. Kahit tatlo lang kami (Marielle and Trish), super excited pa rin kami at ready to cheer!

Hindi makukumpleto ang college life ng isang Lasalista kung hindi ito nakakapanood ng kahit anong event sa UAAP, lalo na kung Men's Basketball ang hindi pa nito napapanood. Kaya kahit namamalat ako ngayon sa kaka-cheer, worth it naman ang experience na 'to. Nakakatuwa talaga ang mga first time natin sa buhay.

Animo La Salle!


Wednesday, 19 September 2012

09.19.12 | Day 03: A picture of you as a baby.

Posted by Anna Cali at 8:10 pm 0 comments
Hinanap ko pa 'to sa kung saang baul :D | 1995

Tuesday, 18 September 2012

09.18.12 | Day 02: A picture of you and the person you have been closest with the longest.

Posted by Anna Cali at 7:09 pm 0 comments
Since 2008 | February 14, 2009 ©

Monday, 17 September 2012

09.17.12 | Day 01: A picture of yourself with fifteen facts.

Posted by Anna Cali at 8:37 pm 0 comments

Anna Patricia | March 17 | 18 | Youngest
De La Salle University | BS Accountancy | Sophomore
Filipina | Batanguena
Tinkerbell | Rainbow
Hopeless Romantic | Forever
Paris | Jovanni Carl ©

Sunday, 16 September 2012

One More Chance

Posted by Anna Cali at 9:16 pm 0 comments
I’m sorry for not saying sorry before nung nasaktan kita. Hanggang nung sa nagkahiwalay tayo, ang inisip ko, sarili ko lang, yung nararamdaman ko lang, yung gusto ko lang. I’m sorry Bash naging madamot ako. Hindi ko inintindi na, kailangan mo rin yung Bashang nawala nung minahal mo. Hindi mo alam kung gaano ko kagusto sabihin sayo na, SANA TAYO NA LANG. SANA TAYO NA LANG ULIT. Pero pag sa tuwing mararamdaman ko kung gaano kita kamahal, hindi ko maiwasan na maramdaman ulit lahat ng sakit. I’M SORRY. Ako naman ang may kailangan ng panahon ngayon. Para makalimutan ko lahat ng sakit. Para maalala ko lahat ng maganda at mabuti sa atin. Para bumalik yung Popoy na nawala, nung nagkahiwalay tayo. I want to stop my heart breaking, Bash. Para pag naging tayo ulit kaya na kitang mahalin nang buong buo. Nang walang takot, kung masaktan man tayo ulit. Bash.

When love ends how long should you hold on? How soon should you let go? How do you move on? For anyone who has ever loved and lost.

Sino ba namang taong in love man o hindi ang hindi pa nakakapanood ng movie na One More Chance? Halos lahat naman ata tayo nakaka-realte sa movie na 'to, 'di ba? We could see the reality of life and love in this movie -- na hindi lang puro saya at ngiti ang mararanasan natin palagi; na andyan ang mga panahon na iiyak tayo at masasaktan para matuto. We learned so many things from the two protagonists, which is Basha and Popoy. May pagakataon na sa side tayo ni Basha kampi, at may times din na kay Popoy tayo. We will never know the true and complete story until we know each of their side and point of view, sabi nga nila.

Naisipan ko lang gawan ng mga reflections at connections sa totoong buhay 'yung mga eksena at memorable lines sa movie, kasi nga sabi ng karamihan sa 'tin, nakaka-relate tayo.


"Minsan, it’s better for two people to break up so they can grow up. And it takes two grown-ups to make relationships work." ~Mark
Totoo. It's hard to enter into a relationship if one, or both of you, is/are not yet matured enough to face all the challenges in the near future. Kasi ang love at relationship naman eh hindi lang lahat umiikot sa flowers, chocolates, dates at public display of affection; eto ay isang turning point sa buhay ng isang tao. Oo nga at hindi naman mawawala ang mga bagay na 'yan sa isang relasyon, pero dapat iniisip natin na hindi lang ang mga 'yan ang bumubuo nito. Dadating at dadating sa point na magkaka-problema kayo at hindi maiiwasan na maiisip n'yong sumuko na lang. Merong mga tao na pipiliin na sabay nilang harapin 'yun na magkasama, pero meron ding mga tao na pipiliing maghiwalay na lang sila. At 'yun ang masakit na reality. Pero minsan, it's better for them to break, kasi minsan, dun sila matututo, magiging mature at mate-test ang feelings nila towards the other person. And eventually, maiisip nila na it's better for them to make their relationship work again, than to carry the burden of being hurt and regretful na sana habang maaga pa eh binalikan n'ya kung anuman 'yung naiwan n'ya.

"Bash, you know me. If kaya pang ayusin, pipilitin. But if this is what really both of you need, then just be strong. Magiging mahirap at masakit, pero hopefully, all the pain would be worth it." ~Krizzy
Lahat naman ng bagay merong solusyon eh. Pero syempre, hindi naman lahat ng bagay madaling solusyunan. Meron ding bagay na hindi natin alam kung maaayos pa. Andyan 'yung time na pareho na kayong susuko at titigilan na ang mag-try. Masasaktan tayo throughout the process, pero 'yun ang realidad. Kung hindi tayo masasaktan, hindi tayo matututo sa mga pangyayari. Dadating at dadating sa point na iiwan ka nilang lahat, at wala kang maaasahan kundi ang sarili mo at si God. Oo nga at andyan naman ang mga kaibigan mo at pamilya mo, pero 'pag sobra nang magulo ang lahat, sarili mo lang at si God ang matatakbuhan mo at makukuhanan mo ng sagot sa lahat ng tanong mo. Maaayos din naman ang lahat eh. Think positive lang. At 'pag dumating na 'yung time na 'yun, masasabi mo na lang sa sarili mo na: All the pain's worth it.

"Pero pag sa tuwing mararamdaman ko kung gaano kita kamahal, hindi ko maiwasan na maramdaman ulit lahat ng sakit. I’m sorry. Ako naman ang may kailangan ng panahon ngayon. Para makalimutan ko lahat ng sakit. Para maalala ko lahat ng maganda at mabuti sa atin. Para bumalik yung Popoy na nawala, nung nagkahiwalay tayo." ~Popoy
Within the course of your relationship, hindi maiiwasan na makakalimutan mo na 'yung dati mong sarili, 'yung sarili mo bago maging kayo. Syempre, masasanay ka na dun sa sarili mo 'pag magkasama kayo. Hindi naman masama 'yun, kasi ganun naman talaga ang kadalasan na nangyayari. 'Yun na 'yung routine n'yo eh, kaya naa-adapt mo na 'yung ganun. Kumbaga, you've built your own world. Pero... pa'no 'pag nawala na 'yung kayo? Pa'no na 'yung dating ikaw at dating s'ya? Pa'no na 'yung mundo na nabuo n'yong dalawa? Kadalasan, 'yan ang nagiging cause ng break-ups. Sasabihin nila, "Pagod na ako sa ganito. Nawala na 'yung dating ako." Ang result? Eh 'di hiwalayan. Ang mali lang kasi sa 'tin, masyado nating kinukulong 'yung sarili natin. Pwede naman kasing nasa isang relationship kayo, pero at the same time you're growing individually. Nasasaktan tayo dahil din sa mga desisyon natin. Pwede naman kasing iwasan ang break-ups na 'yan eh, open communication lang ang katapat n'yan. Ayaw naman siguro natin na masayang lang ang lahat, 'di ba? Ayusin ang dapat ayusin, kesa masaktan at magsisi tayo sa bandang dulo 'pag pinalampas na natin ang mga panahon na pwede pang ayusin ang lahat.


One More Chance taught us to be better persons. Siguro nga merong mga tao na hindi masyadong swerte sa love tulad ni Popoy at ni Basha na open-ended ang kwento -- pwedeng maging sila ulit, pwede rin na hanggang friends na lang sila. Meron din naman na maswerte na nakita na nila ang para sa kanila, congrats naman sa kanila. Treasure what you have now.

May sari-sarili tayong kwento, at nasa atin 'yun kung paano natin ito gagawing maganda at exciting. Ang kwento ni Basha at ni Popoy ay guide lang natin sa mga posibleng mangyari sa ating mga kwento. Pwede na maging katulad ng ending nila ang maging ending ng kwento n'yo, pero mas malaki ang possibility na mas maganda ang kahahantungan ng istorya n'yong dalawa. Basta ang mahalaga, 'wag n'yong kalimutan na tanggapin ang buong pagkatao ng taong mahal n'yo, at gawing center ng relationship si God. 'Pag S'ya ang center ng buhay at relationship n'yo. for sure ig-guide N'ya kayo sa journey n'yo together.

Saturday, 15 September 2012

Forever? Forever...

Posted by Anna Cali at 10:06 pm 0 comments
http://www.traveladventures.org/continents/europe/sant-pere07.shtml

Meron nga bang "forever" sa buhay natin? Wait, medyo general at wide kung life as a whole ang pag-uusapan. Ganito na lang -- meron ba talagang forever sa love, specifically sa isang relationship?

Ano ba talaga ang definition natin ng "forever" sa isang romantic relationship? May mga nagsasabi na habang-buhay sila magsasama -- umulan man o umaraw; meron din nagsasabi na 'til death do they part; at meron din na nangangako ng forever pero after ilang months eh tapos na 'yung forever na sinsabi nila. Mayroon tayong iba't-ibang definition o meaning sa salitang "forever". Naka-depende ito sa kung paano natin nakikita ang love sa sarili nating mga buhay, experiences at point of view.

Para sa 'kin, meron naman talagang forever sa love. Forever kung saan I'll do the best I can in everything that I do just to make my other half happy and proud. Kumbaga, sa lahat nang gagawin ko para sa kanya at kasama s'ya, I'm thinking that it will be the last day of my life para I'll treasure every moment of it. Live and love your life to the fullest, ika nga. Malabo ba? Well, 'yun 'yung sinasabi ko na naka-depende ang definition ng forever sa bawat tao. Merong makakaintindi sa definition ko ng forever, meron ding hindi.

Isa pang definition para sa 'kin ng forever eh 'yung kahit 'di na kayo pwede magkasama, or 'di pa kayo pwede magkasama, eh andun pa rin 'yung genuine feeling for that person; na hindi naman physical lang dapat 'yung feeling, kundi dapat emotional and mental 'yung feeling which connects both of you. Kahit na hindi perfect at fairytale-like ang story n'yo, basta masaya kayo at alam n'yo na mahal n'yo ang isa't-isa, those things are the start of forever. Kung hindi na naman kayo pwede magkasama, 'yung nararamdaman mo sa kanya eh never na mawawala kasi you've planned forever with that person. Super genuine na nung feelings mo kaya mahirap at matagal na mawala 'yan, or pwede 'di na mawawala 'yan.

Best example para sa 'kin ng forever eh 'yung old couples na nakikita ko. Ewan ko, pero 'pag nakikita ko sila bigla na lang akong mapapangiti at medyo maluluha. Bakit? Una, kasi kahit na may edad na sila, sila pa rin ang magkasama at nagtutulungan. Kahit na medyo ulyanin na sila at hirap na maglakad at magkarinigan, they chose to stay with their better half. Kahit na limited na 'yung mga bagay na magagawa nila, patuloy pa rin nila pinapakita at pinaparamdam sa isa't-isa na andun pa rin 'yung genuine love through their little actions. Pangalawa, naluluha ako kasi kahit sa panahon ngayon, meron pa ring couples na nakaka-survive sa lahat ng pagsubok ng buhay. Na kahit sobrang hirap at komplikado, pinipilit nilang lagpasan 'yun ng magkasama at nagtutulungan. Sobrang tatag at strengthened na ang relationship nila.

Napapaisip din ako kung minsan: Meron bang tao na handang harapin ang forever kasama ako? Meron bang tao na hindi ako iiwan kahit anong mangyari at harapin namin sa buhay? Meron ba d'yan na handa pa rin akong alagaan at mahalin kahit ulyanin at uugud-ugod na ako? Meron bang tao na kakantahan pa rin ako ng kanta namin 'pag matanda na kami kahit 'di na n'ya masyado maalala ang lyrics nito? Mga simpleng tanong pero mahirap sagutin.

Pero para sa 'kin, kahit nasaktan na ako sa experience ko with love at parang dumating ako sa punto na malabo na 'yung concept ng forever, andito na ulit ako at naniniwala sa forever. Siguro kasi hindi pa dati 'yung tamang time para 'dun sa akala ko na forever. Pero sana ngayon, or in God's right time, dumating na 'yung start of forever para sa 'ming dalawa. I still believe in the concept of forever.

Friday, 14 September 2012

100-Day Photo Challenge

Posted by Anna Cali at 9:15 pm 0 comments

So, I am up for this challenge! Matagal ko na rin pinag-iisipan mag-try ng ganito, at ngayon nakapag-decide na ako -- I'll go for it!

I'll start on the 16th, para on the 25th of December 'yung 100th day nitong challenge -- which is Christmas! :D

Here's the challenge:


Day 01 – A picture of yourself with fifteen facts
Day 02 – A picture of you and the person you have been closest with the longest
Day 03 – A picture of you as a baby
Day 04 – A picture of yourself and a family member
Day 05 – A picture of your favorite memory
Day 06 – A picture of a person you’d love to trade places with for a day
Day 07 – A picture that makes you laugh
Day 08 – A picture of your most treasured item
Day 09 – A picture of the person who has gotten you through the most
Day 10 – A picture of someone you do the craziest things with
Day 11 – A picture of something you hate
Day 12 – A picture of something you love
Day 13 – A picture of your favorite band or artist
Day 14 – A picutre of your favourite store
Day 15 – A picture of something you want to do before you die
Day 16 – A picture of someone who inspires you
Day 17 – A picture of something that has made a huge impact on your life recently
Day 18 – A picture of the sexiest Woman alive
Day 19 – A picutre of something you love to do.
Day 20 – A picture of somewhere you’d love to travel
Day 21 – A picture of something you wish you could forget
Day 22 – A picture of something you never leave the house without
Day 23 – A picture of your favorite book
Day 24 – A picture of someone you miss
Day 25 – A picture of you from last year
Day 26 – A picture of something that means a lot to you
Day 27 – A picture of your favorite night
Day 28 – A picture of your favorite place in the world
Day 29 – A picture that can always make you smile
Day 30 – A picture of your favorite quote
Day 31 – A picture of food you made
Day 32 – A picture of what you did today
Day 33 – A picture of somewhere you went today
Day 34 – A picture of your favorite morning
Day 35 – A picture of your hometown
Day 36 – A picture of your pet
Day 37 – A picture taken at school
Day 38 – A picture of your favorite drink
Day 39 – A picture of your favorite food
Day 40 – A picture of your friends
Day 41 – A picture of your favorite weather
Day 42 – A picture of you listening to music
Day 43 – A picture of you celebrating
Day 44 – A picture that describes your life
Day 45 – A picture of your favorite cartoon character
Day 46 – A picture that you edited
Day 47 – A picture of your favorite animal
Day 48 – A picture of you more than 10 years ago
Day 49 – A picture of you and your best friend(s)
Day 50 – A picture of yourself
Day 51 – A picture of you wearing sunglasses
Day 52 – A picture of you dressed up
Day 53 – A picture of you in a car
Day 54 – A picture of you on your last vacation
Day 55 – A picture of you with a date
Day 56 – A picture of you all bundled up
Day 57 – A picture of you in your backyard
Day 58 – A picture of your hair all done
Day 59 – A picture of you at prom
Day 60 – A picture of you at a sports game
Day 61 – A picture of you in the fall
Day 62 – A picture of you on a ride
Day 63 – A picture of luggage
Day 64 – A picture of you at work
Day 65 – A picture of you at a park
Day 66 – A picture of you in the air
Day 66 – A picture of you doing something childish
Day 67 – A picture of you falling
Day 68 – A picture of you outside
Day 69 – A picture of a crazy night out
Day 70 – A picture of someone you don’t go a day without talking to
Day 71 – A picture of you with people you work with
Day 72 – A picture of you with unbelievable scenary
Day 73 – A picture of you somewhere warm
Day 74 – A picture taken professionally
Day 75 – A picture of you receiving a reward
Day 76 – A picture of you drinking something
Day 77 – A picture of you and friends making silly faces
Day 78 – A picture of you in the dark
Day 79 – A picture of you in the water
Day 80 – A picture of you and someone you love being silly
Day 81 – A picture of you with a character
Day 82 – A picture of someone you love asleep
Day 83 – A picture of you and a teammate
Day 84 – A picture of a school project
Day 85 – A picture of your favorite holiday
Day 86 – A picture of someone who helps you with school
Day 87 – A picture of someone you grew up with
Day 88 – A picture of your dream car
Day 89 – A picture of you at a hotel
Day 90 – A picture of you wearing your favorite color
Day 91 – A picture of you and your friends playing a game
Day 92 – A picture of your school
Day 93 – A picture of your favorite board game
Day 94 – A picture of you and your friends eating
Day 95 – A picture of you on a plane
Day 96 – A picture of your favorite movie
Day 97 – A picture of something you no longer have
Day 98 – A picture of you and your friends out somewhere
Day 99 – A picture that was first on your facebook.
Day 100 – A picture of you smiling.

Something fun and interesting for -ber months! :D

Tuesday, 11 September 2012

Somewhere Down the Road

Posted by Anna Cali at 11:14 pm 0 comments
Sometimes goodbyes are not forever. It doesn't matter if you're gone, I still believe in us together .


We had the right love at the wrong time... Wrong time nga ba? Or wrong reasons lang to say goodbye? Pero ang nasisiguro ko, right love 'to. Often, life gives us the unexpected. Wala kahit isa sa atin ang makakapagsabi kung anong mangyayari sa mga susunod na araw. Parang sa love din, 'di natin alam kung kanino tayo mai-in love at hindi natin mapipili kung sinong tao 'yun at kung kelan natin ito makikilala.

Bakit napa-post na naman ako? Kasi... lakas nang tama ng kantang Maybe This Time sa 'min ng friends ko kanina. Usual kwentuhan lang tapos 'yung pine-play sa radio eh 'yung mga old love songs. Syempre, 'yung mga ganung kanta talaga 'yung ang bigat sa feeling na pakinggan lalo na if you're going through a rough time in your life. Naiyak na nga 'yung friends ko eh, pero ako, pinipigilan ko nang sobra. Kahit na parang saktong-sakto sa 'kin 'yung kanta at konti na lang lalabas na anytime 'yung lahat ng sakit, kelangan kong maging matatag kahit sobrang sakit na. 

Pero 'tong mga linyang 'to, kahit masakit sa ngayon, sana makanta ko rin one day:
She's smilin' like she used to smile way back then. She's feelin' like she used to feel way back when they tried, but somethin' kept them, waiting for this magic moment...

At dahil sobrang madrama ang buhay, naisipan ko tuloy makinig sa old love songs ngayon, at ang drama ko ngayong gabi: Somewhere Down the Road. Sa panahon ngayon, 'yan ang kanta ko. Kahit na medyo masakit pakinggan 'yung kanta, andun pa rin 'yung positive outlook towards the situation. When you're in love and at the same time in pain, 'wag mong hahayaan na ma-overpower ng pain 'yung love. Kasi 'yung pain mags-subside 'yan at magh-heal in time; pero ang love, lalo 'yang magg-grow sa pagdaan ng mga araw. Kasi ang puso mahirap turuan ; ahit nasasaktan na patuloy pa rin 'yan magmamahal. 'Wag mong hayaan ang sarili mo na ma-down dahil nasasaktan ka; instead, be optimistic with all that's happening.

Everything happens for a reason naman eh. Sa situation ko, hindi ko pa man alam sa ngayon 'yung reason na 'yun, alam kong for the better 'to kaya nangyayari. Syempre masakit, pero sa sakit na nararamdaman ako natututo at nagiging better person every day. Maaayos din lahat in God's time. Alam N'ya ang best time para sa lahat. I'll never give up hanggang kaya ko. 'Pag mahal mo naman ang isang tao kakayanin mo eh. Sabihin man ng ibang tao na mali ang magpakatanga or umasa masyado, you'll never know the feeling unless you are the one experiencing it. Hindi biro 'yung three years na nasimulan namin at tatapusin namin sa ganito na lang. Maaayos pa 'to; hindi pa man siguro ngayon, pero dadating din 'yung oras.

Maybe the best is yet to come...


Monday, 10 September 2012

Last Thursday Night

Posted by Anna Cali at 11:09 pm 0 comments
Last Thursday night, yeah I think we broke the law.Always say we're gonna stop, oh-oh-oh...

Soooo... Eto ang version namin ng Happy Thursdays -- ang sleep-over! Kasi malapit na ang Finals Week, we decided to unwind kahit konti lang. Tamang kainan lang, kwentuhan about sa lahat ng kagagahan at kabaliwan sa mundo, bukingan at lagpas isang oras na paglalaro ng UNO cards. Bukingan about sa past at current issues ang peg namin nung gabing 'yan! Trip-trip at murahan din habang naglalaro ng longest game of UNO na nasalihan ko.

Tawa lang kami nang tawa at sigawan the whole night. Minsan lang namin kasi mag-celebrate ng Happy Thursday, tsaka sobrang stressed na kami sa school work at mga personal problems namin. Kahit na kulang kami dahil wala si Jahmmi, palagi naman kaming masaya 'pag magkakasama at 'di talaga mawawala ang tawanan. Akala namin walang tulugan 'to, kaso may pasok kinabukasan at bagsak kaming lahat after midnight sa sobrang pagod!

Wala kami masyadong picture kasi masyado kaming nag-enjoy. Well, mauulit naman 'to for sure! More foods. More kwentuhan. More bukingan!

Magpakailanman

Posted by Anna Cali at 11:08 pm 0 comments
Darating din ang araw na tayo'y tatanda. Babagal ang mga paa at manlalabo ang mata. Hindi mamalayan ang pagikot ng mundo...  Panahon ay lilipas din, mga araw ay daraan. Ang mundo ay papanaw din ngunit hindi ang aking puso, ngunit hindi ang pagibig ko sa 'yo...


Nakaka-miss 'yung ganitong moments natin. Eto ang hobby nating dalawa 'pag wala tayong magawa eh; 'yung basta meron tayo nakitang camera man 'yan or webcam, automatic na sa 'ting dalawa na gawing katawa-tawa mga itsura nating dalawa -- mapa-mukhang natatae man 'yan, mukhang constipated or 'yung mukhang hindi talaga ma-describe. Nasa system na ata nating dalawa 'yan eh, mahirap nang alisin basta tayo ang magkasama.

Sobrang childish nating dalawa 'pag magkasama. Away-bati sa mga maliliit na bagay na pinagkukulitan natin na pagkatapos eh tatawanan na lang natin kasi palaging kang natatalo sa usapan. Pero minsan din naman, nagkaka-pikunan tayo. Bakit? Kasi pikon ha. Hahaha! Naalala mo nung thrown out of the game ka kasi binato mo ng bola sa mukha 'yung kalaban mo kasi napikon ka? Best example ng pagka-pikon, 'di ba? Palagi ko naman 'yun sinasabi sa 'yo eh, at sa 'kin ka lang 'di nagagalit 'pag niloloko kita na pikon.

Kung ikaw pikon, ako naman si tampuhin. 'Di mo lang mapansin at makausap agad eh tampo na agad at 'di na kita kakausapin. Lokohin at kulitin mo lang ng konti magtatampo na agad, 'di ba? 'Di ba? Arte ko 'no? Dejokelang. Kasi naman minsan, 'di mo ako pinapansin at kinakausap kasi 'yun pala tulog ka na habang kinakausap kita. Sinong 'di magtatampo, 'di ba? Alam mo naman ako si madaldal, tapos ang dami ko nang nasabi tulog ka na pala. Pero syempre, bumabawi ka naman pero nakakatulog ka ulit.

I miss my old self, especially when I'm with you. Kumbaga, kilala mo at tanggap mo ang lahat ng sulok at twists and turns ng pagkatao at personality ko. Kahit na malimit eh baliw ako at dumadaan din ang sobrang pagkadaldal ko na kahit ikaw hindi mo mapigil, tinitiis mo na lang 'yun at tatawanan ako pagktapos kong dumada tungkol sa mga bagay-bagay.

Nakaka-miss din 'yung every night sa 'yo ko ikekwento lahat ng bagay na nangyari sa 'kin nung araw na 'yun; kahit na tungkol pa 'yun sa mga happy crush ko. Tinatawanan mo na lang ako 'pag may kagagahan akong nagawa; dadamayan mo ako 'pag hindi naging maganda ang araw ko at hinding-hindi mo pinaramdam sa 'kin na mahina ako. Palagi mo akong ine-encourage gawin lahat nang kaya ko at ayaw na ayaw mong isipin ko na hindi ko kaya. Palagi mong sinasabi na: "Kaya mo 'yan. Basta lagi mong iisipin na andito lang ako." Palagi kang may assurance na hindi mo ako iiwan kahit anong mangyari.

Kelangang-kelanga kita ngayon. Sobrang dami kong problema na alam kong ikaw lang ang makikinig at makakaintindi. Wala na akong shock-absorber eh. 
Umaasa pa rin naman akong maaayos lahat eh. In God's time alam ko maaayos natin lahat. Unti-unti, babalik din ang dati, 'di ba? Walang iwanan at kakayanin natin 'to lahat.

Basta babalik ka, ha? Andito lang ako. :)

Bestfriend for Life

Posted by Anna Cali at 3:14 pm 0 comments

“Your mother is possibly the best friend you will ever have. She loves you when you love her back, she loves you when you don't. She loves you when you cry and when you laugh. She loves you when you are wrong and when you are right. She loves you because you are her child, forever and a day. If you want to catch a glimpse of what the love of God looks like, look at your mother.”

― Ryan Crowe


She never left my side. Kahit na most of the time 'di kami magkasama kasi sa Manila na 'ko nags-stay, constant pa rin 'yung communication naming dalawa kaya feeling namin 'di kami magkalayo. Palagi kaming may kwentuhan at chikahan portion sa gabi over the phone, walang absent!

 Very cool mom. Ay nako, minsan 'yan pa ang nauunang makaalam ng mga uso! Malaman ko na lang nakikiuso na rin 'yan. Lalo na sa panahon ngayon na uso na ang BBM, 'di 'yan nagpapahuli, nagb-BBM rin 'yan sakin! Minsan nga gusto pa raw mag-Twitter, sabi ko 'wag na at 'pag nagkameron 'yan ng account 'dun eh lagot na! At very active n'yan sa FB, may pagka-stalker din 'yan ng konti kaya alam lahat ng chika at gala ko! Gusto n'yan na s'ya ang susundo sa 'kin para bonding kaming tatlo ng mga Ate, gala forever! Kung saan-saan kami nakakarating basta kami ang magkakasama sa galaan! Mas maarte pa rin 'yan sa 'min, pero 'pag nakita na namin ang mga kaartehan n'ya na nabili, kukunin na namin agad kaya kami rin nagbe-benefit. Bagets na bagets pa rin 'yan kaya sobrang enjoy 'pag magkakasama kami.

Best friend forever. Kahit na madalas ko s'yang natatarayan at 'di napapansin, iniintindi pa rin ako n'yan. Gusto n'yan palagi kaming nagkkwento sa kanya ng mga nangyayari samin -- school-related man o tungkol sa personal life namin. Sabi nga n'ya, "Ako ang best friend n'yo, kaya 'wag kayong mahihiyang magkwento sa 'kin dahil maiintindihan ko naman kayo. Ang gusto ko lang nagsasabi kayo sa 'kin,". O 'di ba, cool ng Mommy ko? :D 'Pag may problema ako, nas-sense agad n'yan. Kahit na ayaw pa n'yan na mag-boyfriend ako, 'di s'ya nagalit nung nalaman n'ya. Ang sa kanya lang naman gusto n'ya i-prioritize pa rin 'yung studies, pero hindi naman maiiwasan na na magmahal kaya okay lang sa kanya. Basta ang sa kanya, open dapat ang communication namin.

Superwoman -- 'yan ang best description para sa kanya. S'ya na ata ang pinakamabait, pinaka-strong at pinaka-loving na tao na nakilala ko sa buong buhay ko. Best Mother in the world, ika nga. I'd be lost without her. Kung hindi dahil sa kanya, siguro hindi ako matuto nang ganito sa buhay. Sa kanya at sa experiences n'ya at namin ako natuto kung paano maging strong at matatag sa lahat ng kelangang harapin sa buhay. Natuto rin akong magpahalaga sa mga maliliit na bagay sa buhay natin dahil sa view n'ya sa buhay. Kahit na makulit 'yan, love na love ko 'yan to the highest level! :D



P. S. Naalala ko 'yung pagsayaw n'ya kahapon at pag-wave. Sobrang tawa ko kaya sumakit ang ulo ko at nakalimutan ko s'yang i-video :))


Distance means so little when someone means so much...

Posted by Anna Cali at 2:35 pm 0 comments
True love doesn't mean being inseparable; it means being separated and nothing changes.

Have you ever experienced being in a long-distance relationship? Madaming nagsasabi na kalokohan lang daw ang pumasok sa ganitong klaseng relasyon -- pwera raw hindi magw-work kasi magkalayo raw kayong dalawa, madalang lang kayo magkakasama, magkakasawaan, may possibility na magkameron nang third party at kung ano-ano pang mga dahilan para masira ang isang relasyon.

Pero bakit ba sa mga negative outcome tayo nagf-focus, 'di ba? Marami naman ding mga bagay ang maipagmamalaki sa ganitong klaseng relationship. 

I've been in a relationship for three years now. During the first two years, normal lang 'yung situation namin -- kumbaga usual high school love. Everyday kami magkasama kasi same school lang naman kami -- sabay kumain every break, sabay minsan kung gumawa ng mga homework at isa lang ang group of friends namin. Magkasabay kami palagi 'pag umuuwi kasi sa magkasunod na street lang naman 'yung mga bahay namin. Every weekend lumalabas din kami, nood ng sine or tambay sa mga bahay ng barkada. Every night, kahit buong araw na kami magkasama, mag-uusap pa rin kami over the phone. 'Pag 'di agad ako makatulog, one hour na naka on-call 'yung line para feel ko meron pa rin akong kasama kahit pareho na kaming matutulog. Nasanay na kami sa ganito naming set-up for two years.

Syempre, hindi naman magiging strong ang isang relationship kung hindi ito dadaan sa mga obstacles and trials. Come May 2011, I have to settle in Manila for my studies. Malaking adjustment 'yun para sa aming dalawa lalo na sa nakasanayan na namin na routine every day. Bago pa man dumating ang May, napag-usapan na namin ang mga adjustments naming dalawa lalo na sa mga schedule namin.

Before mag-start 'yung classes ko, bonding muna kami just like the old times. Pero kelangan n'ya umuwi agad kasi ako papasok na at tandang-tanda ko nung araw na umuwi sya -- nakasakay kami ng Ate ko sa pedicab habang s'ya naman nakasakay sa jeep. Sobrang naiiyak ako nun kasi parang dati palagi kami magkasabay umuwi tapos ngayon s'ya na lang 'yung uuwi mag-isa. We still always make it to a point na mag-usap kami every night, or mag-usap through Skype or ooVoo, or minsan pa eh sabay 'yan 'pag medyo malabo 'yung dating over the phone. May times na hindi ako nakakauwi ng Batangas during weekends, kaya s'ya ang pumupunta at bumibisita sa 'min sa Manila; mas maluwag kasi 'yung schedule n'ya compared sa 'kin. Basta ang usapan naming dalawa, kapag free 'yung weekend namin we spend time with each other para naman we make up for the lost time for each other. First thing I've learned? I have to be flexible with everything and I should know how to balance my time with every aspect of my life. Flexible in a sense na dapat madali akong maka-adjust sa mga changes na nangyayari at dapat handa akong harapin ang mga 'yun. Balance naman kasi we will never really grow as a person kung sa isang aspeto lang ng buhay natin tayo naka-focus; dapat we give time to each aspect of our life for us to grow and mature wholly.

Kinaya namin 'yung ganitong set-up for one year. Kahit na minsan nagkakaroon nang misunderstandings o maliliit na tampuhan, 'di naman 'yun maiiwasan eh lalo na kasi nasanay kami na palagi kaming magkasama. May mga times din na hindi na kami nakakapag-usap or video call kasi sobrang dami ng mga kelangan gawin at tapusin; or sobrang conflict sa mga schdule naming dalawa. Little by little, nakaka-adjust naman kami kahit na nahihirapan pa rin kami. Pero sabi nga: kung walang tiyaga, walang nilaga. Second thing I have learned? You should learn how to sacrifice when you're in a relationship. Lalo na 'pag nasa isang long-distance relationship. There will come a time na you have to choose between things; pero ganun naman talaga ang buhay eh. Life's full of choices and chances, and we have to be wise in picking and grabbing those.

Lastly, but the most important lesson I have learned with this kind of relationship: Always remember the one thing that made you fight and keep this relationship -- which is love. Sabi nga: "Kapag dumating ka na sa punto na gusto mo nang bumitaw at sumuko, isipin at tandaan mo muna ang dahilan kung bakit ka kumapit ng ganyan katagal." Totoo naman, hindi ba? Lalo na sa katulad ng relationship namin, hahayaan na lang ba namin na masayang lahat nang pinaghirapan at nabuo namin dahil lang sa sinasabi nilang distance? Bakit kami bibigay at susuko sa distance na 'yan kung marami namang paraan para punuan ang mga pagkukulang namin? 'Wag tayong nagpapadala agad at nagpapadikta sa mga sinasabi lang ng mga taong nakapaligid sa atin. Hindi naman nila alam kung ano 'yung talagang nararanasan at nararamdaman natin towards our loved one. Malalaman lang nila 'yun kung sila na ang nasa sitwasyon natin. At tsaka, tayo naman ang involved sa relationship na 'yun, 'di ba? Bakit kelangan na may makisali na iba?

Tulad nung picture na nasa itaas, ganyan ang set-up namin almost every night for one year. Through the use of technology, kayang-kaya mag-survive ng isang long-distance relationship. Minsan, habang naka-video call kami, sabay kaming gumagawa ng mga homework or sa harap na din ng webcam kami kumakain. Sa mga simpleng bagay tulad noon, hindi nawawala 'yung bond namin with each other. 'Yan ba ang sinasabi nilang "Distance makes the heart forget"? Hindi naman 'yun totoo eh. Nasa dalawang tao 'yun sa isang relationship kung paano nila ipagpapatuloy 'yung routine na nakasanayan nila. Oo nga at may mga magiging adjustments, pero maliliit lang na bagay 'yun kung ikukumpara sa iniingatan n'yo na relationship, 'di ba?

Ang long-distance relationships ang isa sa mga pinaka-subok at pinakamatatag na klase ng isang relasyon. Bakit? Tinuturuan nito ang dalawang individuals na maging strong at buhay ang feelings nila with their loved ones at sa pag-iwas sa mga temptation sa paligid nila. Kung ako ang tatanungin, mas natuto akong magpahalaga sa feelings at oras naming dalawa nung pinasok namin ang long-distance relationship. Kumbaga, we learned to grab every chance we get just to be with each other. Natuto rin kami na hindi maging taken for granted ang kung ano mang meron kami.

Distance means so little when someone means so much... Totoo naman ito eh. 'Wag tayong magpapadala sa mga hardships at trials na kelangan nating pagdaanan kasi d'yan tayo matututo sa buhay at magiging strong. Lahat naman ng bagay na kelangan natin sa buhay hindi nakukuha instantly, 'di ba? Palagi 'tong pinaghihirapan muna; para 'pag nakuha na natin, sobrang papahalagahan natin 'to at masasabi natin sa mga sarili natin na: It's worth it.






 

Behind Anna's Smile Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos