Like a nightlight, like a teddy bear, like toddlers playing Look at us, baby, two grown-ups acting like children... |
Best buddy ever. Thank you for visiting me today. Kahit na sobrang ikli lang nung time na nagkasama tayo, pinilit mo pa rin pumunta dito sa Manila para lang masamahan akong kumain at mapanood ang new target ko na si Mario Maurer. Kahit na sobrang malayo at medyo matagal 'yung byahe mo para lang makabawi sa pag-iinarte ko nung isang araw, pumunta ka pa rin. Kahit na sobrang sabog na ako sa pagod kanina, sobrang natuwa ako kasi ikaw ang una kong nabalitaan nung good news, at tama ang timing na i-celebrate 'yun.
As usual, pagkain naman 'yung bonding natin palagi. 'Di kumpleto ang araw natin 'pag isang meal lang kinain natin. Andyan na ulit 'yung DQ at popcorn moments natin, na agawan na naman tayo. Sobrang funny lang nung moments na sabay tayong kinikilig 'pag si Mario na 'yung naka-focus, pareho tayong kinikilig at natatawa sa kagwapuhan n'ya. Kahit na ayaw pa kitang pauwiin, 'di naman pwede kasi gagabihin ka at may Boys Session pa kayo at mag-aaral pa ako :)
I'm lucky we're in love in every way. Lucky to have stayed where we have stayed. Oo nga at wala namang perfect relationship, pero I can say that what we have now is near-perfect. Hindi pa rin naman maiiwasan 'yung flaws at misunderstandings, pero as long as napapag-usapan at nasosolusyunan agad, nothing could go wrong.
Alam kong nagbabawi ka na agad ng oras sa 'kin ngayon kasi magiging busy ka na 'pag nagsimula na ulit 'yung semester. Pero kaya nga may tawag at text, 'di ba? Ngayon pa ba tayo papatalo? I'm so lucky to have this wonderful person in my life -- cheesy man pakinggan pero totoo.
I'm lucky I'm in love with my best friend. Lucky to have been where I have been ©
***Sa sobrang page-enjoy namin kanina, wala kaming picture. Kaya 'tong kulitan pictures na lang namin 'yung nakalagay J***
0 comments:
Post a Comment