Thursday, 11 October 2012

Bu... Ko

Posted by Anna Cali at 8:35 pm
Buo ang araw ko, marinig ko lang ang mga himig mo.
Na-curious naman ako sa title ng kantang 'to. Sabi ko, "Bakit kaya Buko?" Oo kasi, kanta 'yan. Nagtaka rin kayo kung bakit Buko 'no? Habang pinapakinggan ko 'yung kanta, 'di ko mapigilan ngumiti, syempre kiligin, at magtanong ng kung anu-ano. 

May lalaki pa kayang ganito? May lalaki pa kayang handang suyuin nang sobra ang babaeng gusto n'ya? May lalaki pa kayang sobrang magpahalaga ng memories nila nung babaeng sobrang mahal n'ya? At ang pinakamatinding tanong na naisip ko, may lalaki pa kayang maghintay ng sobrang tagal at positive pa rin ang outlook sa future nila together?


"Kung inaakala mo ang pag-ibig ko'y magbabago, itaga mo sa bato, dumaan man ang maraming Pasko... Kahit na 'di mo na abot ang sahig, kahit na 'di mo na 'ko marinig, ikaw parin ang buhay ko..."

Ito 'yung sobrang catchy na lines throughout the song. Sobrang nakakatuwa ang lalaking gagawin ang lahat para lang sa babaeng mahal n'ya. Effort kung effort, pawis kung pawis sa pagdala ng pagkakalaking bouquet of roses at boxes of chocolates, hihilahin ang barkada at team work sa surprise, mapahiya man s'ya sa harap ng ibang tao -- mapakita n'ya lang kung gaano s'ya ka-seryoso sa nararamdaman n'ya para sa babaeng napili n'ya. Eh ano pa ang ipagsulat ka ng kanta o kaya ng love letters or simple notes lang, 'di ba?

'Pag nag-effort na ang lalaki sa 'yo, ay malamang iba na 'yan. 'Di na 'yan 'yung simpleng pa-cute lang o papansin sa babae. Tapos na 'yan sa stage na medyo magsusuplado para mapansin mo. 'Yung mga simpleng gestures n'yan towards sa 'yo, may something na 'yan na pinaparating. Mga simpleng pagbigay ng kung anu-ano, simpleng pagsabay sa 'yo 'pag pauwi ka o 'pag nakita ka n'yang mag-isa. Ay mag-isip isip ka na, d'yan 'yan nagsisimula; pero syempre, dapat alam mo kung binobola-bola ka lang.

Alam mo naman 'yun sa sarili mo kung seryoso 'yung guy sa 'yo eh -- mararamdaman mo 'yun. Kumbaga sabi nga nung iba, everything feels so right. Lalo na 'pag andun na kayo sa stage na pinag-uusapan n'yo na ang mga bagay-bagay sa buhay at napunta ang topic n'yo sa future n'yong dalawa, talagang iba na 'yan. Buhay n'yo na 'yun together eh. At hindi na lang din 'yun Bu...Ko, na ang ibig sabihin ay Buhay Ko, kundi Buhay N'yo na 'yung pinag-uusapan.


We do not know what the future will bring us, but as long as we have that someone to be with, we should not be afraid of what awaits us ahead.

0 comments:

Post a Comment

 

Behind Anna's Smile Copyright © 2012 Design by Antonia Sundrani Vinte e poucos